Missy's POV:
Pag ka end ng tawag agad akong nag ayos para puntahan sila Grace. Sumakay agad ako sa kotse ko at pinaandar ito. Hindi nako naka pag paalam kala mommy, tetext ko nalang siya mamaya. Nag mamadali akong mag drive, Wait? Bakit nga ba nag mamadali ako? Hays. Basta! Kailangan malinawan ang lahat.
Dinial ko ang number ni Grace. Agad naman itong sumagot.
"Hello... oh missy? Asan kana?"
"Nandito ko sa isang bakery."
"Ahh,sige may makikita kang paliko. Wag kang liliko ah. Dumiretso ka lang. May makikita kang bahay na malaki, white yung gate, may mga bulaklak sa harap."
"Okay." Binabaan ko agad siya at tinahak ang sinabi niyang daan. Agad kong hininto ang kotse at bumaba.
Tinext ko si Grace.
To: Gracia
Dito na ko.
Agad naman siyang lumabas kasama si TJ.
"Yes! Sawakas nandine ka narin." Sigaw ni Tj.
"Tara na. Pasok ka." Hinila ako ni Grace.
Ang Ganda ng bahay, bongga!
Umupo kami sa may sofa sa sala.
"Oh? Asan na Kuya mo?"
"Adun umakyat lang sandali sa kwarto nag bihis. Kagigising lang kasi nun pag dating namin."
"Ah... ano anong gusto mo?Juice, Coffee,soft drinks?"
"Tubig nalang."
"Sige,Wait kukuha lang ako." Pumunta agad si Grace sa kusina. Hindi kanilang bahay pero feel at home siya. Sabagay minsan nandito siya tumatambay at pinsan naman siya.
"Missy, Okay ka lang?" Tanong ni TJ.
"Ahh .. oo naman bakit? Mukha ba kong di okay?"
"Namumutla ka kasi, tapos natulala ka na lang bigla."
"Ahh. Siguro kamamadali ko, Okay lang ako may iniisip lang."
"Ah.."
"Ito na Oh uminom ka muna." Saktong pag dating ni Grace dala ang isang basong tubig.
"I'm here." Sigaw ng isang lalaki na pababa ng hagdan siguro siya na yung pinsan ni Grace. In fairness, Gwapo siya.
"Kuya ang tagal mo."
"Sorry..." at nag peace sign ito.
"Kuya si Missy, Missy si Kuya." Ani ni Grace. Natulala naman sakin ang Kuya niya siguro mga 5 seconds.
"H-Hi I'm Venson." Inabot niya ang kamay niya para maki pag kilala.
"Missy.." Tipid kong sagot at nakipag shake hands. Napatingin ako ng malapitan sa kanya. He looks so familiar.
"Ahh. Nag kita na ba tayo?" Nag tataka kong tanong. Kasi parang nakikilala ko mukha niya pero di ko lang matandaan kung saan eh.
"Ha? Siguro? Maybe? Ewan hahaha" natatawa nitong sagot.
"Gala kasi si Kuya, kaya baka nakita mo na siya. Tska pumunta siya sa school dati."
"Oo nga, baka nga."
Umupo na kami, hindi parin mawala ang tingin ko sa mukha niya. Aishh! Ginugulo lang isip ko. Shet!
"Saan ko ba uumpisahan?" Tanong niya at nakatingin sakin.
"Kahit saan." Sabat naman ni Trixie.
"Kuya,Paano nag umpisa lahat? Di ba sabi mo transferee si ate girl? Eh bakit umabot sa patayan? Go umpisahan mo sa una." Sabi naman ni Grace
Hindi ako nag salita hinayaan ko lang sila.
"Yeah. Nag transfer si Zandra sa FCA nun, 2 grading ata? Galing siyang Manila. Lumipat na sila dito sa Bulacan. Nung unang tapak palang niya sa paaralan. Pinag kaguluhan at pinag tinginan na siya. Paano Hatang mayaman, hinahatid sundo ng mamahaling sasakyan. Pero simple lang siya, mabait, at maganda. Matalino din siya, Sa 2nd section siya nilagay. Hindi sa 1st dahil wala ng vacant at marami na din kami nun sa 1st section. Maraming natutuwa sa kanya, dahil sa katangian niya. Marami din ang nag lakas loob na manligaw pero lahat busted. Pero may iisang lalaki siyang minahal, walang nakaka kilala sa kanya dahil tinago nila iyon. Hanggang ngayon, Hindi parin siya nakikilala. Hinanap siya, pero nabigo silang malaman kung sino yun. Hanggang ngayon ay nanatili parin sikreto ang kanyang katauhan. Pero kung maraming may gusto at humahanga kay Zandra. Mas maraming nagagalit at naiinis sa kanya. Inggit at selos, Yan ang naging dahilan ng pag kamatay niya." Kumuyom ang palad nito. Habang si Grace naman maluluha na. Akala mo nandun siya sa pangyayaring yun. Si TJ seryoso at tahimik lang na nakikinig.
"What do you mean? Selos at inggit?" Tanong ko.
"Lahat ng babae inis sa kanya at galit sa kanya. In short, Insecure sila kay Zandra. Sa sobrang Inggit. Nagawa nilang patayin si Zandra. Sabi ng ilan ang buong 2nd section ang pumatay kay Zandra. " Pag papatuloy niya.
"Buong 2nd section? Pati lalaki?" Tanong ni Trixie.
"Yes, Pati lalaki lahat ng lalaki sa 2nd section lahat ng na busted niya. Ang buong 2nd section ang pumatay kay Zandra. Walang awa nila itong pinag sasaksak kung saan saan. Hindi lang yun ang inabot ni Zandra. Nabugbog at pinahirapan din siya."
"Eh? Asan na yung mga pumatay? Mga siraulo pala yung mga yun e."
"Lahat sila , Patay narin."
"What?"
"Matapos nilang patayin si Zandra, natagpuan din ang kanilang mga bangkay sa loob ng classroom. Maraming kumalat na balita na pinatay din nila ang sarili nila.Ang sabi pa ng ilan siguro daw ay nakonsensya sila ng makita nila ang ginawa nila kay Zandra. Kaya pinatay din nila ang sarili nila. Walang naka ligtas, lahat sila namatay. Nag sama sama silang lahat. Mag kakasamang dumanak ang kanilang dugo sa iisang kwarto sa Classroom ng 2nd section."
"Ganun, naman po pala ang nangyari, Eh bakit nadadamay kami?"
"Oo nga kuya, Tska anong sinabi mo sakin na nangyayari na ang pag babanta?"
"Simula ng mamatay si Zandra. Kung ano anong pag babanta ang natanggap ng FCA. Sabi pa nila na mag hihiganti siya pag dating ng araw, babalik siya. Buhay ang hiningi,buhay ang kapalit. Ito na siguro ang sinasabi niyang pag babalik."
"Sino?" Tanong ko.
"Yun ang hindi ko alam."
"Shuks! Baka si Zandra buhay pa at nag hihiganti siya satin." sabi ni TJ.
"Kakanood mo ng kung ano ano yan!"
"Wtf! Pakisabi kung sino man yun uso Move on hanu? Tsk. Dinamay pa tayo at bakit sa limang taong lumipas sating batch pa nag higanti?"
"May dahilan...." Lumabas sa bibig ko.
"Ha?"
"May dahilan ang bawat nangyayari. Kailangan nating malaman kung sino siya, kung sino ang nag hihiganti. Pati ang pumapatay."
"Akala ko dati si Joan ang dahilan ng lahat, simula ng nag transfer siya gumulo na lahat. Pero hindi pala." Nag kataon lang ba ang lahat o Naka tadhana talagang mangyari?
----
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...