Hienz's POV:
Nag text siya sakin na pumunta daw ako ng mall kung saan niya sinabi. Hinintay ko siya doon. Pero ang tagal niya nakita ko pa si Abby tapos yung kaibigan niya. Lumipas pa ang isang oras at dumating din siya. Kahit kailan ang tagal tagal niya.
"Ang tagal mo bes." Sa wakas dumating na din siya after so many years. Hahaha
"Sorna daming ganap e. Tara na sa school."
"Bakit sa school pa? Bakit kasi hindi nalang sa inyo?"
"Eh, Basta bawal din kasi sa bahay ngayon." Bakit sa school pa kasi at kailan pa naging bawal sa kanila? Eh lagi ngang pwede dun.
"Sige, tara na para matapos na.." Lumabas na kami ng mall at dumiretso sa parking area. Sumakay kami sa kotse niya.
Sabi niya kasi gagawin namin yung report namin sa Filipino, nakaka pag taka lang kasi bakit kailangan sa school pa pwede namang sa bahay nila o samin. Hays. Ewan ko din ba sa mga teacher namin may pa report report pang nalalaman alam naman nilang may kung anong ganap sa room.
Pag ka dating namin sa school. Nakaka pag taka lang kasi wala yung guard na nag babantay sa entrance ng FCA. Kasi kahit weekend may bantay dito e.
"Asan yung guard dito wala ata?" Nag tataka kong tanong. Hindi naman kumikibo tong kasama ko. Pansin kong hindi siya mapakali.
"Oy ayos ka lang ba?"
"Oo."
Pumasok na agad kami at dumiretso sa Classroom namin. Bukas kaya yun?
Pag dating namin sa room nakita ko din yung dalawa naming kaklase na nasa loob ng room.
"Oh? Nandito din pala kayo, kayo ba mag ka partner?"
"Oo." Tipid niyang sagot.
"Teka lang ha? Punta lang kami sa Cr?"
"Hoy! Mag kasama talaga kayo? Lalaki ka babae siya! Walang ganun oyy! Anong gagawin niyo? Kayo ha!"
"Gago! Papasama lang ako. Dun lang siya sa labas noh! Ito eh! Kung ano ano iniisip."
"Hahaha sorry na sige na." Haha! Kasi tong mga to.
"Sige, Bye hienzyyyy!"
"Bye ka dyan! Mag c-cr lang kayo. Dalian niyo!"
Umalis na silang dalawa, naiwan kaming dalawa dito. Boring! Tagal naming mag simula. Tagal naman kasi nung dalawa. Kinuha ko nalang ang phone ko at nag laro nalang ng games.
Napaka tahimik naming dalawa, katahimikan ang bumalot sa buong classroom hindi din ako sanay na tahimik siya. Nagulat ako ng napalingon ako sa kanya. May hawak siyang kutsilyo at pinag lalaruan ito sa daliri niya. Naka ramdam ako ng takot at kaba sa nakikita ko ngayon.
"B-Bakit may kutsilyo ka?" Napatingin naman siya sakin. Na akala mo nagulat.
"Ha? Wala ah." Sabi niya at parang nawawala sa sarili niya.
"B-Baliw ka ba? Bakit may dala kang ganyan?"
"Wala nga! Bakit ba ang kulit mo? Gusto mo ba talagang malaman?" Nagulat ako sa inasta niya, sinigawan niya ko at seryoso ang mukha niya hindi siya ganto. Anong nangyayari sa kanya?
Natahimik ako dahil nasa harapan ko na siya at ngumingiti na parang nababaliw. Hindi ko maibuka ang aking bibig sa sobrang kaba. Gusto ko siyang pigilan at pag sabihan kung ano mang binabalak niya pero di ko magawa nang hihina ako hindi ko kaya.
"Sorry Hienz pero kailangan kong gawin to. Ayaw ko man pero kailangan. Hindi lang naman para sakin kundi sa pamilya ko. Patawarin mo ko, i need to do this stupid sh*t!" Yan ang lumabas sa kanyang bibig.
"H-Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"I'm sorry Hienz" huling salita na narinig ko mula sa kanya bago niya ko. Saksakin sa tiyan ramdam kong may mga luhang dumaloy sa aking pisngi mula sa aking mata. Isang matamis na ngiti ang iniwan ko sa kanya bago ako lagutan ng hininga nanlalabo ang aking paningin pero ramdam ko at naririnig kong umiiyak siya. Hindi ko man alam ang dahilan niya para gawin sakin ito at bakit niya ginawa sakin ito pero mukhang katapusan ko na talaga. Salamat sa mga masasayang alaalang hanggang dito nalang.
-------
3rd person's POV:
Hindi matanggap ng dalaga na nagawa niya yun sa kanyang kaklase. Labag man sa kanyang loob ngunit kailangan niyang gawin iyon. Matapos niyang saksakin si Hienz, nabitawan niya ang kutsilyo at hindi napigilang maiyak. Napaupo nalang siya sa harap ng bangkay at humagulgol. Dumating ang lalaki at ang babae naabutan nila ang dalawa sa ganoong posisyon na ikinagulat nila.
"Bakit ka umiiyak?" Inis na sabi ng babae.
"Hindi ko kayaaa..." naiiyak na sabi ng dalaga.
"Hindi mo kaya? Pero nagawa mo na. Stupid!" Seryosong sabi ng lalaki.
"Tumayo ka nga dyan!" Hinila ng babae ang dalaga at iniharap sa kanya.
"Ilan na bang buhay ang tinapos mo? Ilang tao na ba ang napatay mo? Ilang inosente na ba ang nadamay? Diba marami na! Marami na! Marami ka ng napatay, MARAMI NA TAYONG NAPATAY!Tapos ngayon ka lang mag gaganyan! Bitch!" Sigaw ng babae sa dalaga.
"Oo! MARAMI NA AKONG NAPATAY! MARAMI NG INOSENTENG BUHAY ANG NADAMAY! Pero si Hienz? IBA SI HIENZ! IBA SIYA!"
"TANGA KA BA! TAO DIN YAN! Isa din yan sa mga ESTUDYANTENG KAILAN NATING TAPUSIN!"
"TUMIGIL NA NGA KAYO! WALA NA KAYONG MAGAGAWA! SINIMULAN NA NATIN ! AT KAILANGAN DIN NATING TAPUSIN. WALA NA KAYONG MAGAGAWA. HINDI NA TAYO MAKAKATAKAS PA DITO. HINDI NIYO NA MAIBABALIK PA ANG NAKARAAN! TUMIGIL NGA KAYO! DALIAN NIYO! DALHIN NA NATIN TONG BANGKAY NA TO! PARA MAKA UWI NA TAYO! Hindi ngayon ang panahon para makonsensya." sigaw ng lalaki.
"KAYO NALANG ANG MAG DALA SA KANYA! HINDI KO KAYANG MAKITA SIYANG GANUN!"
"Arte! Tara na nga!" Binuhat na nila ang bangkay ni Hienz at dinala sa may gate. May iilang lalaki din na mga naka kulay itim na nag hihintay sa entrance ng FCA para isabit ang bangkay sa ibabaw ng gate.
Matapos nilang ilagay ang bangkay, Agad na lumisan ang lahat sa paaralan na parang walang nangyari.
----3rd person's POV:
Maagang pumasok si Shyne. Naka sabay niya si Ronalyn sa pag lalakad. Nagulat silang dalawa ng makita nilang ang daming tao sa gate ng FCA. Pag ka gulat ang namayani sa huwisyo ni Shyne sa kanyang nakikita ngayon. Ang kanyang kaibigan ay naka sabit sa itaas ng gate ng FCA at puno ng dugo ang damit. Hindi na napigilan ni Shyne na maluha sa kanyang nakikita. Habang pinag mamasdan nila ang pag dating ng pulisya at ambulansya. Biglang kinalabit ni Jaylan si Ronalyn upang mag tanong.
"Anyare?"
"Bwisit ka! Bakit ka ng gugulat!"
"Sorna. May patay na naman ba?"
"Oo si Hienz." Sabay turo ng dalaga sa bangkay na nakasabit.
"Shet!" Bulalas ng binata.
Maya maya ay dumating din si Abby kasama ang kanyang kaibigan na si Dwight.
Kaba at gulat ang unang dumapo kay Abby. Habang ang binata sa kanyang tabi ay nagagalit at naiinis.
-------
Someone's POV:
"Malapit na... The End is near my dearest 2nd section... Wag kayong mag alala marami pang mangyayaring hindi niyo gugustuhing mangyari." Narito ako ngayon sa aking kotse, Pinapanood kung paano mag kagulo ang buong FCA. Marami pang pwedeng mangyari at kung ano man yun MASAYA AKO.
"Master.. Aalis na po ba tayo?"
"Sige tara na. Sawa na ko makita ang mga walang kwentang mukha ng mga estudyante dito." tinapon ko ang hawak kong sigarilyo mula sa bintana bago ko ito isarado.
Napatingin ako sa isang binata na nakatayo kasama ang ibang mga nang kakagulong estudyante. Tsk. Hindi parin talaga siya nag babago, Stupid! Hindi ako papayag na makialam siya. Sinimulan nila at ako ang tatapos ng ka demonyohang ito.
Embrace my Revenge! Felizarda Constitution Academy!
-----
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...