Green's POV:
Nakaka inis siya, kanina ko pa siya gustong sapakin. Sinabayan pa ni Neil, Langyang Kumag yun.
Tumakbo na ko para maka layo sa kanya, sure di na naman ako lulubayan nun. Kung di ako yayakapin bigla nalang mang hahalik sa pisnge. Di porket pinsan ko siya e. Hahaha yaks! Sumakay na agad ako sa sasakyan ko.Hinintay ko pa sila kahit gustong gusto ko na silang iwan.
"Hoy! Babe iniwan mo ko?"
"Babe moto! Namo ka!"
"Babe naman." Pumasok ito at umupo sa pwesto niya kanina. Sabay tawa ng tawa.
Sumakay na din sila Dalia at Tin. Nagulat kaming tatlo ng Pabagsak na sinarado ni Dalia ang pinto ng kotse sa backseat.
"Hoy! Hinay hinay ,ang kotse ko!"
"EDI SORRY!" Sabay kabit ng earphone sa tenga niya. Mukhang badtrip to ah.
Tinignan ko naman ng masama si Neil.
"Oh, Wala kong ginawa dyan." Pag tanggi niya. Tinignan ko naman si Tin na di mapakali sa hawak niyang cellphone. On,Off, On,Off. Parang tanga eh. Parang kinakabahan si gago.
"Oy! Tin anong nangyayari sayo?" Nagulat siya kaya muntik ng malaglag yung phone niya.
"A-ANO BA!? BAKIT KA NANG GUGULAT?"
"Sabi ko nga di na." Taena mga beastmode tao.
Kumatok si Abby sa bintana ng kotse na ikinagulat ko. Agad ko naman siyang pinag buksan.
"Oyyy! Ingat kayo ah." Hindi ko siya pinapansin at naka tingin lang nang diretso sa harap ko.
"Yeah. Kayo din." Naka ngising sabi ni Neil.
"Thank you, nag enjoy ako super. Punta ko sa inyo bukas."
"Wag kang paasa ha mylabs!" Singit naman ni Tin.
"OO! Wag mo ko tulad sayo mylabs. Hahaha"
"Che! Wengya ka!"
"Sige ingat kayo ha." Sabi ni Abby at hinawakan ako sa braso na ikinagulat ko.
"Kayo din." Sabi ko sabay ngiti. (Plastic ako!)
"Bro. Nice to meet you ah. Kayong apat. See you next time, Tin,Dalia,Neil at lalo na sayo Green." Sabi naman ni Dwight at may pa tapik tapik pa sa braso ko. Hayuf! Sarap mo upakan! Ngumiti pa ng nakaka loko si Gago. -_-
"Sige bye!" Agad ko ng sinarado ang Bintana at pinaandar na ang sasakyan, Tsk. Di ko na masikmura yung pag mumukha ng Kupal na yun.
Binilisan ko ang pag papatakbo ng sasakyan.
"Ohh. Easy lang! Ayoko pa mamatay bruh!"
"Hoy! Mag hinay hinay ka nga!"
"Kung gusto mo mag pakamatay ikaw nalang oyyy!"
Hininto ko ang kotse ko at itinabi sa isang gilid. Hindi ko na pigilan ang sarili kong Sumigaw. Sumigaw ako ng parang nasisiraan. Ginulo gulo ko ang buhok ko at pinag hahampas ang monobela.
"Arghhhh!" Tahimik lang ang tatlo alam kong nakikiramdam lang sila. Haist! Naiinis talaga ko.
"Bro. Siguro kailangan mo munang mag palamig." Tinapik tapik ni Neil ang balikat ko at sinensyasan akong mag palit kami ng pwesto. Para siya na muna ang mag drive.
Tumayo naman agad ako, bumaba at Lumipat sa pwesto niya sa Front seat.
"Mag e-enjoy tayo bro." Naka ngising sabi ni Neil kaya lalo siyang nawawalan ng mata eh. Singkit na nga wala pang mata. Walang mata? Hahaha. Alam kong may binabalak na naman tong kumag na to e.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...