Missy's POV:
Sinundan namin sila Shyne papasok. Sa pag pasok namin mababatid mo talagang napaka laki ng lugar nato, may mga bagay din sa paligid na mga kinakalawang na. Malalaman mong matagal ng hindi talaga ginagamit ang lugar nato. Habang naka sunod kami sa kanila, Nasa likod naman sila Beo at Jaylan at nasa gitna kaming lahat.
"Missy ano bang ginagawa natin dito natatakot nako." Pabulong na tanong ni TJ at mababakas sa kanyang mukha ang kaba at takot. Hindi ko siya kinibo. Pinag masdan ko lang lahat ng nasa paligid namin. Pati ang dalawang babae sa harap namin na nauuna. Sisigaw sana ko na umalis na kami kanina at bumalik na sa kotse pero huli na ang lahat.
Wait! Parang may mali. Pero nabugaw ang iniisip ko ng may marinig akong boses ng isang medyo may edad ng lalaki at papalapit ito samin.
"Oh! My Dearest 2nd section!"
Habang papalapit ito samin may isang lalaki akong natatanaw na naka upo sa isang silya, naka tali ang kamay at may busal sa bibig.
Nang titigan ko ito doon ko lamang napag tanto na si Kuya Venson iyon.
"KUYAAAAAA!!!!" sigaw ni Grace na nasa tabi ko at akmang lalapitan si Kuya Venson pero pinigilan ko siya, Ganun din si TJ at Ria
"Grace kumalma ka di natin alam ang mga nangyayari." pag papakalma ni Ria sa kanya.
"Grace ano ba!" inis naman na sabi ni TJ.
"Kosa! Ano bang ginagawa natin dine? Baka mapagalitan ako ni Mama neto." sabi ni Paulo sakin.
"Oo nga Missy, bakit mo ba kami dinala dito?" tanong naman ni Jeffrey.
Hindi ko sila pinapansin o kinibo.
Kahit kasi ako di ko alam kung bakit ko ba sila nadala dito."Oy! Tama na nga yan, Na iistress na si Missy wag niyo ng dagdagan." sabi naman ni Marlou.
"Sino ka?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag tanong nako. Malakas kong sigaw sa lalaki.
Hindi ito sumagot at sa halip ay tinawanan lang niya ko.
"Ano bang kailangan mo samin?"
"Simple lang naman, Ang mga buhay niyo." naka ngisi niyang sagot.
"Ha? Ano daw?" pabulong na sabi ni Marlou.
"Buhay daw natin." bulong naman na sagot ni Ria.
"Wait! Hindi ko mahanap yung logic dun, aswang ba siya." sabi ni Marlou, siniko ko nga siya.
"What do you mean na buhay namin?" tanong ko ulit.
"Malalaman mo rin."
"Sino ka ba talaga ha! Tangina, Ano bang trip mong matanda ka? Dinadamay mo pa kami."
"Rude." halatang nainis siya sa sinabi ko.
"Ikaw yun!"
"Itali ang mga yan?"
Nag react silang lahat.
Kinuha ko ang phone ko at tatawagan sana si Abby kaso. Hinampas ni Ronalyn yung kamay ko at tumalsik yung phone ko.
"Wala ka ng magagawa Ms. President!"
"Anong ibig sabihin neto Rona?"
"Akala ko pa naman matalino ka, sana gets mo na. "
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...