Epilogue

30 4 0
                                    

Missy's POV:

This is the day.

Masaya kong natapos na lahat at wala ng nawala pa samin. 1 month na rin ang lumipas kaya alam kong okay na ang lahat. Wala na si Evans, Alam kong tapos na lahat. Nakulong na din ang Daddy ni Dwight. Nakulong na din yung mga alipores niya.

Yung apat? Si Jaylan, Ronalyn, Beo at Shyne? Hindi nila samin sinabi kung saan sila dinala. Pero alam ko magiging okay na din sila. Grabeng trauma ang inabot nilang apat dahil puro minor pa lang di pa sila pwedeng ikulong.

"Congrats! Mga anak." Lumapit sa amin si Ma'am agnes. Ang adviser naming Kabog ang bangs at ang mahabang maganda niyang buhok.

Niyakap niya kami isa isa.

Halos lahat nag tataka kung bakit walo nalang kaming natira sa Section namin. Kahit tawagin kaming Evil Section, Wala na kaming pake! Basta ngayon Gra-graduate na kami at tapos na ang mga pangyayaring nag pahirap sa bawat isa sa amin. Natutuwa ako dahil umabot ako/ kaming walo ngayong graduation. Akala ko talaga katapusan na naming lahat. Hinding hindi ko malilimutan ang lahat ng nangyari.

Nalinawan na din ang bawat isa sa nangyari.

Guys! Kung nasaan man kayong lahat ngayon. Ito na kami mag tatapos na kami. At inaalay naming lahat to para sa inyo. Mahal na mahal namin kayo. Alam kong tahimik na kayo ngayon dahil nakamit niyo na ang hustisya.

Sobrang saya namin nila, Grace, Ria, Trixie, Abby,  Paulo,  Jeffrey, at Marlou. Kahit kami kami nalang alam naming nasa paligid lang sila kasama namin. Patawarin niyo ko Guys. Sa mga pag kukulang ko at wala akong nagawa noon sa inyo.

------

Natapos na ang Graduation at lahat kami ay nag kukuhanan na ng litrato ng may matanaw akong isang lalaking naka black na Jacket sa di kalayuan.

Alam kong masayang masaya siya dahil okay na si Abby. Tinignan ko si Abby at nakita kong sobrang saya niya kasama yung mga kaibigan niya at pamilya niya. Sana bumalik na yung mga alaala niya. Balita ko ay dun na daw siya mag co-college sa Canada kasama ang mga kaibigan niya. Tinignan ko ulit si Dwight Pero wala na siya doon. Grabeng sakripisyon ang ginawa niya para kay Abby.

"Una na kami."  paalam ko sa kanila. Kasi mag bobonding kaming Family ngayon dahil na miss ko sila.

Niyakap ko sila isa isa. Huli kong nilapitan si Abby.

"Congrats Abs!."

"Congrats din Missy!"

"Ingat sa Flight! Pasalubong ha? Hahaha."

"Salamat. Haha."

"Ingat ka dun wag mo kaming kakalimutan." biglang singit nung tatlo si Grace, Ria at Trixie.

"Haha oo naman."

"Sige na una na kami. Babye!"

"Bye."

"Ay wait!" Yumakap ulit ako kay Abby.

"Mahal na mahal ka niya." yan yung huli kong sinabi sa kanya at nginitian siya. Nag tataka naman siya.

Alam ko matagal pa bago kami ulit mag kita. At sana sa araw na yun. Sila na ang mag kasama. Dahil alam ko mahal nila ang isa't isa.

Natapos na ang lahat na noon ay akala ko ay hindi na, hindi na dapat tayo mag higanti sa mga bagay bagay. Acceptance is the key, hindi na natin kailangan gumanti pa kasi anong pinag kaiba natin sa mga nakagawa satin ng kasalanan kung gagawin din natin sa iba. Mauulit at mauulit lang lahat. Mas mabuti pang mag patawad at tanggapin ito na bukal sa loob, kesa dalhin ang puot at galit na ito sa habang buhay tayo lang din ang magiging miserable.

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon