Chapter 26: Reunited

46 4 0
                                    

Dwight's POV:

Pumasok ako sa loob isang hagdan na napakataas ang aking sinundan.
Ang dilim pero sa dulo ay may isang nag niningning na liwanag. Inakyat ko ang hagdan na parang walang hangganan. Pero hindi ko tinigilan hanggang maabot ko ang dulo ng liwanag. Isang babae ang nakita ko,Hindi ko maaninag kung sino siya. Naka talikod lang siya, Isang babaeng may kakaibang prensensya. May biglang lumapit sa kanyang lalaki at binaril siya. Gusto ko mang lapitan siya hindi ko magawa. Ang bigat bigat hindi ako maka takbo o makagalaw.

"Dwight!...." sigaw ng babae bago siya bawian ng buhay.

Napabangon ako ng wala sa oras pawis na pawis ako. Isang bangungot na nakakatakot. Sino siya? Sino ang babaeng iyon? Anong ibig sabihin ng panaginip na yun?

Napatayo nalang ako at nakaramdam ng hilo. Napatingin ako kung nasan ako. Nasa sala at mukhang ang dami kong nainom kagabi. Aishh! Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam pero paulit ulit yung boses ng babae sa isip ko. Hays.

Pumunta ako sa lababo para mag hilamos. Argh! Damn that nightmare. Hays.

Napatingin ako sa wall clock na nasa kusina. 8:30 na ng umaga naalala ko si Abby, Hindi ko na naman siya nahatid. Nag tatampo nga siguro sakin yun. Susunduin ko nalang siya mamaya.

Narinig kong tumunog yung phone ko mula sa sala.

Akala ko si Abby pero isang unknown number ang tumatawag. Agad ko namang sinagot.

"Hello, Who's this?"

"Are you Dwight Namco?"

"Yes, Why? Who are you?"

"I'm Just a Friend, You can call me What ever you want."

"Oh, Come on! Who the hell are you? What do you want?"

"I need to talk to you."

"I don't talk to strangers."

"Nah, I'm not a stranger, I'm your friend."

"What ever!"

"I will wait for you,I'll text you the place. Bye!"

Agad niyang in end ang tawag, sino ba kasi siya?At bakit kailangan niya kong makausap. Sa pag kakatanda ko wala akong kaibigan.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Isang text mula sa kanya. Tinext nga niya kung saan kami mag kikita, mamayang 3:00 pm. Paano ko masusundo si Abby? Damn! 3:15 ang uwian nila. Haist. Kaya ko naman siguro yun sasaglitin ko lang kung sino man to.

-----

2:30 na at ang bagal ng oras. Gusto ko na siyang makita, Gusto ko ng makita ang mga ngiti niya. Abby, You driving me crazy. Argh!

Gusto ko ng marinig ang boses niya, ang tawa niyang nakaka loko. Ang pang babara niya sakin. I miss her, Gusto ko man siyang tawagan hindi ko magawa. Gusto kong personal siyang makausap.

Biglang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi. Sino ba kasi yung kasama niyang lalaki? At bakit may payakap yakap pa. Tapos kung tumawa siya akala mo ang tagal na nilang mag kakilala eh? Ngayon ko palang nakitang mag kasama sila. At wala siyang na kwekwento sakin na ganun. Argh! Nakaka baliw. Napa face palm nalang ako sa sobrang frustration. Pshh! Kaasar.

Napatingin ako sa cellphone ko kung anong oras na. Shet! 2:45 na, dali dali akong naligo at nag ayos. Hays. Bakit bako nag mamadali? Sino ba yung lalaking yun? At bakit gusto niya kong makausap? Tungkol naman saan? Aishh!

Agad akong umangkas sa motor ko at nag madaling pinuntahan ang lugar na sinabi niya.

Pinark ko ang motor ko at bumaba sa isang kilalang restaurant. Napatingin ako sandali sa restaurant at pinag masdan. Ang tagal na nung huli akong naka punta dito kasama sila. I miss all the memories. Mga alaalang kahit kailan di na mauulit pa.

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon