Prologue

13.5K 185 5
                                    

Rules #1: No falling inlove with the other members of gang. You joined here to fight, not to be an ally. If you break this rule, you'll face the consequence that you don't want to experience.

Batas na hindi namin sinunod.

Batas na mas pinili naming harapin ang consequence kaysa maging maayos ang buhay namin.

Bakit nga ba namin nilabag ang rule na iyon?

Bakit nga ba mas pinili naming sundin ang puso namin kesa sundin ang batas?

Kasi mahirap pigilan lalo na kung feelings na ang umiral. Mahirap pakawalan ang taong malapit na nga sayo, papakawalan mo pa.

Para saan pa kung tinuring kaming gang kung matatakot lang din naman kami? Para saan pa ang lakas ng loob at tapang namin kung dahil lang sa isang rule hahayaan naming masaktan kami kesa sumaya dahil sa pagmamahal na 'to?

Ganun nga ba kami katapang? Dahil kaya naming sabihin iyon kahit na maraming natatakot doon.

Ganun nga ba kadali para bigla na lang kaming sumaya? Lalo na kung alam naming merong naganap noon na buhay na buhay pa para saamin.

Ganun nga ba kadali para magdesiyon para sa sarili naming kaligayan? Kung hindi naman namin alam kung ano ang magiging parusa.

Ganun nga ba kadali?

Kasi sa ngayon, ang alam ko... Para sa grupo ko, para sa mga kaibigan ko, walang hirap na nakikita.

PERO paano kung biglang may dumating?

Paano kung biglang may bumalik?

Paano kung biglang may magpakita sa kalagitnaan ng kasiyahan namin?

Paano kung makita ulit namin sila?

Ang mga taong dahilan kung bakit bumalik kami dito makalipas ang limang taon.

Mabubuhay muli ang galit, pighati, sakit at poot na matagal na nilang nararamdaman sa dibdib nila patungo saamin.

Paano kung makita namin sila ng biglaan?

Guguho ang mundo na ginagalawan namin dahil sakanila. Ang mga alaalang hindi mabaon-baon sa limot ay muling maglalabasan.

Ang bangungot ng nakaraan ay tila mabububay...

BAKIT at PAANO?

Bakit ngayon pa kung kailan unti unti na kaming nagiging masaya at paano namin malalagpasan ito?

Tama nga ang kasabihan. Lahat ng kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan at kasakitan.

It was all unexpected.

Started: December 13, 2016
Ended:

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon