Catastrophe's Pov
"Cata? Hey, sunget. Are you listening?"
Napatingin ako kay Kenji at nawala yung pagkatuliro ko. Hindi ko na naintindihan at hindi ko alam kung ano yung mga kinwento niya dahil sa pagkatulala ko.
"Sunget, are you okay?" nagaalala niyang tanong.
Tumango ako kahit hindi. Ayoko lang na lalo pa siyang magaalala sakin.
"I'm fine. I'm sorry I spaced out,"
"What were you thinking?"
Iniwas ko ang tingin ko sakaniya. Those stares. Those eyes. I can't lie when I'm looking at it.
"May napanaginipan lang ako. Hindi lang mawala sa isip ko," I gave in. Hindi ko kayang magsinungaling at maglihim sakaniya. Kasi after all these years, si Kenji lang ulit ang nakagiba sa mga pader na nilagay ko sa paligid ng puso ko. Si Kenji lang yung taong pinagkatiwalaan ko ulit.
"Is it a bad one?"
"Hindi naman. It's just about Shaznielle. Hindi ko maexplain ng maayos e. Pero blurred yung panaginip ko. Tanging si Shaz lang yung malinaw tapos may sinasabi si Shaznielle pero hindi ko maintindihan dahil walang boses na lumalabas sa bibig niya. Alam ko ding marami kami dun pero hindi ko makita itsura ng iba dahil blurred. Pero yung pinakahindi ko makakalimutan yung may bumulagta sa harap ko. Duguan. Pero hindi ko kilala kung sino,"
Kada naaalala ko 'yun lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Anong meron sa panaginip ko na 'yun? Sino yung bumulagta sa harapan ko? Ano yung sinasabi ni Shaz?
Gustong gusto ko ng sumuko at ang bigat na ng pakiramdam ko. Napapagod na ako sa gabi gabing pagiyak ko dahil sa mga panaginip ko and I'm starting to hate myself more again. I'm starting to go back to who I was when Shaznielle died.
Hinawakan ni Kenji ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. Pinunasan niya ang pisngi ko. Hindi ko namalayang naiiyak na pala ako.
"Napapagod na ako. Nasasaktan na ako. Hirap na hirap na ako. Hindi ko alam kung paano ko masasagot lahat ng tanong sa isip ko. Gusto ko ng matapos 'to. Gusto ko ng maalis yung mabigat na nandito sa dibdib ko dahil limang taon na 'tong nandito. Hindi ko na alam gagawin ko..." my voice cracked.
Niyakap niya ako pero hindi na ako umangal. All I need now is his hug. His comfort. His presence. Kasi pakiramdam ko kapag kasama ko siya maaayos ang lahat. He's the one who gives me hope. He's the one I'm holding into.
"I think you need to visit her. Siguro pag napuntahan mo siya masasagot ang tanong mo. Baka gusto niya lang na dalawin mo ulit siya." sabi niya habang nakayakap pa din sakin.
Lumayo ako para punasan ang luha ko pero inunahan niya ako. Napatitig ako sa mga mata niya at nakita kong punong puno iyon ng pagaaalala.
"Pero ang tanong, kaya mo na ba?" tanong niya.
Umiling ako. That's the truth. I'm sorry Shaznielle but I know I'm not yet ready. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako hindi magiging handa dahil sa mga nangyayari ngayon, nadadagdagan lang ang dahilan ko para hindi ka dalawin.
"I think even if you can't, even if you're not yet ready, the only best way for you to feel relief is to visit her."
Hindi ko alam. Kasi ngayon, ang alam ko, hindi ko kaya. Ayoko. Wala akong balak.
"I can't bear seeing you like that, Cata. I want my Cata back. Yung masungit? Yung sinisigawan ako? I miss my Cata," malungkot niyang sabi.
I smiled, but only a little.