Chapter 30

2K 46 7
                                    

Key's Pov 

"Something's wrong. She's hiding something," sabi ni Kate.

"Kanino daw yung kwintas na 'yun?" tanong ni Hailey sakaniya.

"I don't know,"

"Hindi kaya sa Shane na 'yun?" tanong ko at napalingon silang dalawa sakin. "I mean... I can't find the right words. Pero feeling ko kay Shane iyon." sabi ko.

Parang may kung ano akong nararamdaman na nagtutulak sakin para sabihin na kay Shane ang kwintas na 'yun. Siya ang unang pumasok sa isip ko pagkabanggit pa lang ni Kate na may kwintas na hawak si Margaux.

Ang tanong ko lang, bakit ang big deal nun para kay Margaux? Sino ba talaga si Shane para pagkaabalahan ni Margaux? Pinag-awayan pa ng kambal ang dahil doon.

"Kung kumikilos si kambal, kumilos din tayo. Ayoko ng ganito! Ayokong sinasarili niya yung problema niya. Ayaw niya ng tulong natin? Pwes gagawa tayo ng paraan. Tutulungan natin siya sa paraang hindi niya malalaman." desididong sabi ni Kate.

Tatlo lang kami. Si Cata, hindi namin sinama. Hinayaan namin siyang kasama si Kenji dahil alam naming mas mapapagaan ni Kenji ang nararamdaman niya. Si Margaux? Wala nanaman. Ilang araw na din siyang hindi sumasama samin. Tsaka tama lang na hindi sila kasama ngayon samin. Alam namin hindi sila papayag na tumulong kami sa kung anoman ginagawa o pinagdadaanan nila ngayon.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Hailey.

"Simulan natin sa Shane na 'yun. We'll know her background. Once na malaman na natin lahat ng tungkol sakaniya lilipat tayo kay Eric. We're gonna talk to him and let him explain why he's interfering now," explain ni Kate.

"When will we start?" tanong ni Hailey.

Tinignan niya kaming dalawa. "Mamaya. Pagkatapos ng klase natin. Co-contact-in ko yung kilala kong magaling magtrack ng infos." sabi niya.

Pumayag kami at pumunta na sa kanya kanyang klase namin. Inisip ko kung ano ang gagawin ko mamaya. Kailangan ko munang magpaalam kay Jeremiah pero hindi ko pwedeng sabihin sakaniya kung ano ang gagawin ko. Saamin lang 'tong lima.

Pagkatapos ko sa lahat ng klase ko ay tutungo na dapat ako sa office kung nasan lahat ng files kaso tinawagan ako ni Kate.

"Why?" salubong ko sakaniya.

[Meet Machaela for me. I'm gonna send you where you'll meet her.]

"Wait, bakit ako? Hahanapin ko na file ni Shane."

[Tinawagan ako ni Kuya. Hinahanap niya si Margaux kailangan kong mahanap agad yung kakambal ko bago magalit si Kuya.]

"Okay,"

Nilagay ko lang sa locker ko ang mga gamit at nareceive ko na ang text ni Kate. Naghanap agad ako ng masasakyan. Hindi ako pwedeng magpaalam kay Jeremiah dahil hindi niya naman alam 'to.

Magb-book na sana ako ng Grab nang may dumaan na sasakyan sa harapan ko na napakabilis. May nakalukot na papel ang binato sa bintana at tumama ito sakin. Hindi na ako nakasugod dahil ang bilis ng harurot ng sasakyan.

Sakin kana sumakay. Let's meet outside. Now.

Iyon ang nakalagay. Hindi ako kinabahan imbes ay naglakad na ako ng mabilis patungo sa labas. Nakita ko agad ang nakaparadang sasakyan at biglang bumukas ang pinto kaya sumakay na agad ako.

"Where to?" tanong ng pamilyar na boses at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya.

"Hi, Key!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sumigaw sa likuran ko.

Nasa driver's seat si Jmart habang nasa likuran ko naman si Mhel, mga barkada ni Chris.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon