Shawn isn't part of the story. Dave po 'yun dapat nakalimutan ko kasi hahaha.
Hailey's Pov
Yumuko ako at iniiwas ang mukha ko pero nahablot niya ang buhok ko at tinulak ako kaya nasubsob ako.
Shit.
I tried to get up but I don't have enough energy to do it. Ang sakit na ng katawan ko.
"Sabihin mo kung nasan si Eric!" puno ng galit ang boses niya.
Pumikit ako ng mariin. Ang bigat na ng paghinga ko. Kaya ko sanang lumaban kaso tatlo sila at laging nakahawak sakin.
"Mukha bang alam ko?"
Isang sampal mula kay Leiandra ang natanggap ko. Naiinis ako sa sarili ko. Pero bigyan nila ko ng isang minutong pahinga makakatikim na sila sakin.
"Kapag tinatanong ka sumagot ka ng-"
Tumayo ako at hinatak ang damit niya at malakas na itinulak. Sinunod ko si Alyssa na akmang hahablutin ang buhok ko. Pinilipit ko ang kamay niya at siniko ang likod niya bago siya sipain para tumilapon.
"Ikaw? Palag! Phoenix member ka, diba?" hamon ko kay Shane.
"Ack!" rinig kong inda nila Alyssa.
Lumitaw ang galit sa mukha niya. She charged. Bago pa siya makasugod sakin ay nakaiwas agad ako. Haharapin ko sana siya pero nahawakan ni Alyssa ang paa ko. Agad kong sinipa ang mukha niya para makawala pero nahablot agad ni Shane ang buhok ko.
Ininda ko ang sakit. Pero hinatak ko ang kamay niya at malakas na hinila. Dinibdiban ko siya at ibinagsak.
"Sasabayan kita sa larong gusto mo," sabi ko.
"Hindi pa tayo tapos," mariin niyang sambit.
I smirked, "And I will never back down."
Naglakad ako paalis. Bwisit na 'yan! Hindi ako nakapasok sa isa kong klase dahil sa pangbubugbog na ginawa niya. Kahit nakabawi ako hindi pa din sapat yung ginawa ko. Halos mawalan na ako ng malay dahil sa ginawa nila kanina e!
Pinili kong hindi na muna pumasok. Ang sakit ng katawan ko. Ang gulo pa ng buhok ko at may dugo pa ng konti ang labi ko. Wala pa man din akong dalang first aid. Nasa locker ko lahat.
Naglakad ako patungo doon. May humablot bigla sa palapulsuhan ko kaya napainda ako sa sakit.
"Aray!"
Tumigil sa paglalakad ang humila sakin. My heart skipped a beat when I saw his back. Ayokong mag-assume pero nung lumingon ito sakin nakita ko ang mukha niya.
Napalunok ako. Nakita ko ang galit sa mata niya habang tinitignan ang gilid ng labi ko. He muttered a curse. Yumuko ako dahil sa kahihiyan sa itsura ko.
Bakit baliktad ngayon? Siya ang nagagalit at ako ang nahihiya.
"Who did this to you?" malumanay ngunit mariin niyang tanong.
Kailangan ko ring magmatigas. I'm starting to build my own boarders. Hindi pwedeng mawasak iyon dahil sa simpleng ganito lang.
Kaya kahit masakit. Kahit labag sa kalooban ko.
"Pakealam mo?"
Inangat ko ang tingin ko. Ang kaninang galit na mata niya ay napalitan ng sakit. Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko dahil sa nakita kong panglalambot ng itsura niya.
Hinawakan niyang muli ang kamay ko. This time, marahan na. Para bang ingat na ingat siya dahil ayaw niya akong saktan.
Kinagat ko ang labi ko para hindi tumulo ang luha na nagbabadya. Kahit pala sobrang sakit ng ginawa niya wala manlang nabawas nung nalaman ko ang totoo.