Chapter 24

2.1K 55 13
                                    

Kate's Pov

"Ced, I told you to stay here!" sigaw ko kay Ced.

Nasapo ko ang noo ko habang tinitignan siyang tumatawa.

Bakit ba kasi sinama pa 'to nila Kuya dito? Ang kulit! Umiiral nanaman yung pagiging bata niya!

"You're angry, ate?" tanong niya at yumuko pa sa harap ko dahil mas matangkad siya sakin.

Tama lang naman yung tangkad ko pero mas matangkad lang talaga sila. Lalo na 'tong si Ced akala mo hindi twelve years old!

Inambahan ko siya ng suntok kaya umiwas siya agad, "Woah! Not too fast, ate. What's your problem? Kuya brought us here to have fun!"

"Ikaw lang nagsasaya ako hindi! You don't know anyone here except for us kaya umayos ka!" halos nanggigigil na ako habang sinasabi ko iyon sakaniya.

"Ate, you're overacting. May masasamang tao ba dito?" tanong niya at luminga linga pa. Pero tinignan niya ako at nagbago bigla ang expression ng mukha niya. He shifted to his serious mode and I know I shouldn't be afraid but I can read what he's about to say. "Ah, yeah right. May gangs nga pala dito," diniinan niya pa talaga ang gangs.

Nakagat ko ang labi ko. Ayokong ganiyan ang expression niya lalo na ito ang topic.

"Since you made me remember it Ate, why won't you transfer? Knowing you and ate Marg are here, I'm not in favor with it."

"Ced, pagkagraduate namin aalis din naman kami dito. Mabilis na panahon na lang 'yun," I made my voice sound like a child. I know when I use it he can't sustain it.

Bumuntong hininga siya. I know it.

"Kelan pa? Next next year? Ate that's still long! Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sainyo dito," he almost shout at me pero hinawakan ko ang kamay niya na nagpakalma sakaniya.

"Kuya's here. So why worry?"

"Kuya will be graduating next year. Who will be left with you here? Sila ate Cata? Sangkot din sila noon!"

"Justine's with us! Genre, Kenji, Wade! They're with us so calm down, Cedrick!"

Tinignan niya ako pero nagiwas din siya agad.

Alam kong nagaalala lang sila. Pero hindi na kasi pwede. At kahit gumraduate kami, hindi na kami makakaalis sa mundong 'to. Pagkatapos namin dito sa underground battle naman kami hanggang sa may kumuha saamin na Elite Mafias.

"And they're also a part of the gangs, diba, ate?" tumango ako. "And yet you still trust them?"

"Ced, can't you get it? Yes, kasali sila sa gang. Pero pinoprotektahan nila kami. They know we shouldn't be involved with that. That's the advantage that we got from them,"

He looked at me intently. Para bang sinusuri niya pa kung nagsisinungaling ako o hindi. Kaya ang ginawa ko tinitigan ko din siya.

But while I'm looking at my brother, my heart aches. I'm lying. And I'll forever be lying to him. Always. Ced, I'm sorry. But I promise you I will protect you and the others.

He sighed in defeat.

"Okay,"

Ngumiti ako at tumalon para maakbayan siya. "I love you, lil bro,"

He smiled then hugged me.

Naglibot lang kami. Sila nila Chivas sumakay sa kung ano anong rides. Hinihila pa nga nila kami lalo na pagdating sa nakakalulang rides. Ako go ako pero si Margaux hindi.

"Hi, pogi! Pwede papicture?"

Napalingon ako at nakita kong may tatlong babae na lumapit kila Ced. Nagpapahinga kasi kami ngayon dito sa bench dahil ang dami din naming ginawa.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon