Kate's Pov
"Ano ba?" inis kong singhal at nilingon siya.
"What?" inosente niyang tanong.
"Kanina ka pa diyan sa likod ko! Kada san ako pumunta nandiyan ka! Ano bang kailangan mo?" inis pa din ang tono ng boses ko.
"Whoa. Easy! Easy! Dito din--" pinutol ko siya.
"Dito din daan mo? Pinaglololoko mo ba ko, ha!? Kasama ba sa paghihintay sa labas ng girls comfort room ang daan mo!?"
Nagkamot siya ng ulo.
"Oo na. Sinusundan na kita," pag-amin niya at tinignan ako bago umiwas ng tingin.
"Sino ka ba?" kalmado kong tanong.
Tinignan ko siya ng maigi. Kung hindi ako nagkakamali, isa siya doon sa grupo na sinasabing gwapo ni Athena.
Umayos siya mula sa pagkakailang at bumuntong hininga pa.
"Ralph. And you're Miss Mary Kate Fortalejo, right? Twin of Margaux Fortalejo and younger sister of Clark Fortalejo." sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
Tinitigan ko lang siya.
Ralph.
Hindi na ako kumibo at tinalikuran siya bago maglakad paalis. Iniiwan siyang nagmumukhang tanga doon.
"Wait! Kate!" napaface palm ako. "Wow, magkarhyme?" dinig ko pang sabi niya. "Ay! Teka lang!"
Hindi ko siya pinansin at sumakay agad sa shuttle.
"Kuya, building E po. 'Wag niyo na pong hintayin 'yang weirdo na 'yan." sabi ko at agad pinaandar ni Kuya ang shuttle.
Tumingin ako sa likod at nakita siyang nakatingin sakin.
Ngumisi lang ako bago tuluyang binalingan ang daan.
"After ng College week ay magkakaron kayo ng quiz tungkol dito. Tignan natin kung talagang nastock sa utak niyo ang mga diniscuss ko kanina." sabi ni Prof at kinuha ang mga gamit kiya. "Dismissed."
Humikab ako at tumayo. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinignan ang text nila Key na sinasabing nasa cafeteria na sila.
Sumakay ako ng shuttle patungo doon. Pagpasok ko ay nakita kong bakante pa din ang table ng SP. Napaiwas ako ng tingin at tumungo na kila Cata.
"Bakit mukhang problemado kayo?" tanong ko sakanila.
"Nagtext na ba sayo si Dos?" tanong ni Cata sakin.
Tinignan ko ang cellphone ko. Ang huling text niya saakin ay nung isang araw pa. Nung nakauwi na daw sila galing sa battle.
Umiling ako. Oo nga no? Hindi ko napansing hindi pala siya nagti-text sakin.
"Ano na kayang nangyayari sa mga 'yun? Gising na kaya si Wade?" nagaalalang tanong ni Key.
Hindi nagagalaw ang pagkain ni Hailey. Saming lima, siya ang pinakaapektado. Hindi pa nagigising yung kanya, e.
"Kumain na kayo. Magti-text din yung mga 'yun 'wag kayong magalala," pagpapalakas ko sa loob nila at sinimulang kainin ang pagkain ko.
"Kamusta na kaya ang SP?"
"Oo nga e. Wala pang balita sakanila!"
"Hays! Kailan kaya sila papasok? Magd-dalawang linggo na silang hindi pumapasok e."
"Wala din namang sinasabi ang Heirs."
"Sana naman okay lang sila!"
Napatingin ako sa mga babaeng dumaan.