Chapter 10

2.6K 73 3
                                    

Key's Pov

"Hindi ako makakapag-practice mamaya y-yam..."

Tumawa ako ng marinig ko ang pagtawag ni Jeremiah sakin.

Yes, yam. Yam na ang gusto kong tawagan namin kahit nung una ay ayaw niya. Ang baduy daw kasi pero wala din siyang nagawa.

Para daw kasing yum burger ng Jollibee. Pero hindi niya alam may meaning iyon. It means you are mine. Ayokonh sabihin sakaniya baka kiligin pa.

"Why?" pilit kong 'wag bahiran ng lungkot ang boses ko.

"Sudden change of plans. Attack will be held tonight," sabi niya.

Napanguso ako. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko.

Dapat matagal ng tapos ang attack na 'yan. Dapat okay na pero nagbago ng plano ang Sinadjan Mafia at Heirs.

"Yam, don't let yourself be hurt, okay?"

"I won't, baby."

"Yam." correction ko.

"Tss... San mo ba kasi nakuha 'yang yam na 'yan?" tila ba nandidiri siya.

"Ayaw mo?" paawa pa ang boses ko.

"Fine fine! I love it! I really love it!" sarkastiko niyang sabi.

Tumawa ako. Ang cute ng boses niya. Siguro mukhang nandidiri 'to ngayon. Pero hindi siya pwedeng umangal. Mas mataas nga ang ranggo nila pero ako ang boss niya.

"Pero yam, may mga weapon ba?" tanong ko.

"Oo. Hindi naman 'yun battle sa SU para mawalan. And, we don't know what kind of weapon they'll use. Kung may halo ba na lason or what."

Ayokong magisip ng kung ano ano pero hindi ko maiwasan. Paanong hindi ko maiiwasan kung delikado naman talaga?

But I trust them. I trust the Heirs. I trust the Mafia. I trust their protectors.

"I love you, yam. I'll be fine. Uuwi pa ako sa bahay natin, don't worry." sabi niya na ikinamula ng pisngi ko at tawa.

Nagpaalam na din siya pagkatapos ng ilang sandali. Tumungo naman ako sa club. Four days na lang at College Week na. Kaya kailangan na talaga naming magpractice ng todo kahit nakuha naman na ng iba ang steps.

Pagpasok ko ay lahat sila abala. May ibang nagp-practice na at ang iba naman ay naghahanda na para sa practice.

"Key!" tawag ni Cassie kaya lumapit agad ako sakaniya.

Umupo ako sa tabi niya at hinilig ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ako sanay na walang Jeremiah ngayon. Alam kong naghahanda lang sila para mamaya pero namimiss ko na siya.

Pumasok si Jmart at agad nagtama ang mata namin. He was burning mad until he looked away. Dumiretso siya sa mga kaclose niya at tahimik na umupo doon.

Gustong gusto ko siyang makausap. Gusto ko ulit siyang kamustahin pero alam kong hindi na pwede. Bukod sa parehas kaming kasali sa gang ay boyfriend ko pa si Miah.

Boyfriend...

Ang saya pakinggan at ipagmalaki kaso hindi pwede.

"Jeremiah's missing," bulong ni Cassie sakin.

"The attack will be held tonight. Kailangan nilang pumunta ng maaga sa hideout para maghanda." sabi ko.

Kung ano ano ang pumasok sa isip ko. Na baka may mangyaring hindi maganda sakanila. Baka may masaktan. Baka may-- hindi. Walang mawawala. Imposible.

"Don't overthink. Walang mangyayaring masama sakanila. Sicilian might be strong but Sinadjan Mafia, Phoenix and the Heirs are more stronger than them."

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon