Hailey's Pov
"Mali sila ng sinasaktan." madiin na sabi ni JV at halata ang galit sa boses niya.
Rinig na rinig namin ang sigaw at daing sa loob ng warehouse. Halatang galing iyon sa boses ng mga Heirs.
"Ano, Mauro!? Asan ang pinagmamalaki mong tauhan mo!? Asan ang Phoenix!? Wala silang magawa!" sobrang lakas ng sigaw kaya rinig namin iyon dito sa labas.
Tinignan ko ang hawak kong baril.
Yung taong kumidnap sa Heirs. Yung taong pinaparusahan ang Heirs. Sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa nagigising yung lalaking mahal ko. Sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakakasama.
"NOW!" sigaw nila Kyle at ang susunod na nakita ko na lang ay sumugod na ang lahat sa loob ng warehouse.
Sumunod ako sa pagtakbo. Putukan ng baril at pagsuntok ang maririnig mo kahit saan.
Hindi ko inaasahang ang dami na nilang tauhan na nakuha. Nakapalibot sa leader ng Sicilian ang mga tauhan nila pero mas marami pa din kami.
Hindi ko ginamit ang baril ko imbes ay nilagay ko muna iyon sa likod ko. Sinalubong ko ng suntok ang lalaking tumatakbo papunta sakin.
Tadyak. Suntok. Upper cut. Sakal.
Galit ang nararamdaman ko ngayon kaya kung ano ano ang nagagawa ko. Sinalubong ko ang kamao ng susuntok sakin at sinuntok siya diretso sa mukha kaya tumumba siya agad.
Umikot ako at sinipa sa pisngi ang lalaking patungo sakin at tinapakan ang dibdib niya. Tinutok niya sakin ang baril na hawak niya kaya agad akong yumuko at gumilid hanggang sa maputok niya iyon sa taas.
"Bobo." nakangisi kong sabi at inagaw ang baril sakaniya bago ipukpok sa ulo niya iyon na agad namang naging dahilan para dumugo ang noo niya.
Magulo kahit saan ka tumingin. Hindi ko na nga alam kung sino ang katabi ko o kung nasan ang grupo ko. Basta ang alam ko isa lang ang gusto namin ngayon, ang maligtas ang Heirs.
"Ay!" sambit ko at umilag sa kutsilyo na dapat dadaplis sa braso ko.
Hinawakan ko ang kamay ng sasaksak sakin at inipit iyon bago sikuhin ang mukha niya at pinilipit ko ang kamay niya hanggang sa mabitawan niya ang kutsilyo at tinadyakan siya patungo kay Mhel na agad sinaksak ang lalaki.
Kaliwa't kanan ang sumusugod saakin at hindi ko akalain na ganito na pala karami ang tauhan ng Sicilian. Parang ilang linggo pa lang mula nang maganap ang attack ah?
Naramdaman ko ang pagtulak sakin ng kung sino kaya napalingon ako sa pwesto ko kanina at nakita ko si Kian na hawak hawak ang dalawang kamay ng lalaking muntik na akong mabaril kanina at nakatutok na ang baril sa taas.
Tumakbo agad ako patungo sakanila at agad tinadyakan ang lalaki sa tagiliran dahilan para mawalan siya ng balanse at napaupo.
Tinuhod ko ang mukha niya kaya nahiga siya.
"Ako na." sabi ni Kian at umupo bigla sa tyan ng lalake at patuloy na pinagsusuntok hanggang sa maging duguan na ang mukha.
May pumutok sa gilid ko kaya napapitlag ako at napalingon. Nakita ko ang isang lalaki na nakatutok sakin ang baril habang nakangisi.
"Sayang ganda mo dahil kalaban ka namin." nakangisi niyang sabi.
Yumuko ako at mabilis na tumakbo patungo sakaniya at agad sinuntok ang sikmura niya pero nakapagpaputok pa siya ng baril na hindi naman nakatutok sakin.
Sa galit na naramdaman ko ay pinagpatuloy ko ang pagsusuntok sakaniya at inagaw ang baril sakaniya.
"Sige, barilin mo na ko." dumudugo ang mukha niyang sabi.