Key's Pov
I ran. Binilisan ko ang takbo ko hanggang sa makalabas ako. Tinignan ko ang dinaanan nila Bryce pero wala na yung sasakyan nila.
Shit! Just shit!
They were so near! Kung nakita lang namin sila pinigilan na namin sila!
"Ate,"
Napalingon ako kay Xyra dahil sa pagtawag niya sakin.
She smiled at me. Pero it was pure sadness. I can see it through her eyes.
"What's wrong?" tanong ko sakaniya.
Umiling siya. "They're gone. Tara na,"
Wala akong nagawa kundi ang pumasok na lang din sa loob. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Kaya pagpasok namin ni Xyra inabutan ako ni Hailey ng tubig.
"It's not yet the right time," sabi niya sakin.
Ramdam kong lahat kami malungkot. Napatingin ako kay Cata at nakita kong kausap siya ni Kuya Gian. She looks so down. She looks guilty.
The Fortalejo siblings lighten up the atmosphere. Nagsimula silang makipagusap sa mga bata kaya imbes na magmukmok lang din ako, nakilaro na ako sakanila.
Ilang oras kaming natagal doon. Si Cata lang ang hindi masiyadong nakikihalubilo at nakaupo lang.
We understand her. Sa lahat, siya talaga ang maaapektuhan ng husto.
Pero hindi ko maiwasang hindi manghinayang. Nasa harapan na namin sila pero hindi pa namin naabot.
"Pagod na si ate Key. Hindi pa ba kayo pagod?" tanong ko sa mga bata at napahawak sa tuhod ko.
"Pagod na po," sabay sabay nilang sagot.
"Pahinga muna tayo? Pawis na pawis na kayo oh," hinawakan ko ang mga likod nila at pinunasan.
My phone suddenly rang. Buti na lang tapos ko ng punasan ang mga bata kaya pinapasok ko na sila dahil magdidilim na din.
Sinagot ko ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Miah. Pumunta nga pala sila sa ospital. Kamusta na kaya ang Heirs?
"How are you there?" tanong niya sakin pagkasagot ko.
"We're fine here. Pangalawang beses na punta pa lang namin 'to mula nung pagkadating namin dito kaya nakakamiss. Sila Heiress?"
"Okay na sila. Bukas or sa isang araw pwede na silang lumabas. Gusto na nila ngayon pero hindi pumayag sila Justine. Gusto na kasi nila agad magtrabaho,"
Napailing ako. We should visit them too. Lahat na ata ng grupo nakabisita kami na lang ang hindi.
"I almost saw Zy," sabi ko nang maalala ang nangyari kanina.
"Zy? Zy who?"
"Zy, yam. Don't you remember him? He's the one I'm talking about to you. Yung kaibigan namin noon?" Uunti-untiin ko ang pagpapaalala sakaniya. Ayokong i-straight doon sa main point.
"Give me a sec," sabi niya kaya wala akong nagawa kundi hintaying maalala niya. "I think I remember. Yung kaclose mo noon when you were twelve?"
"You got it,"
"Oh, ano nangyari? Nakausap mo ba?"
Umirap ako, "Almost nga diba? Pagkadating namin dito, nakita na lang namin yung sasakyan nila na paalis. That was our chance, yam!"
"Calm down. Hindi pa siguro kayo pinagtatagpo. Sign lang siguro 'yun para malaman niyong nandito na sila,"
I don't know. Pero kasi nung inalala ko yung pagkita ko sa sasakyan nila, I felt something different. Hindi ko masabi kung ano pero parang kinabahan ako. Alam kong kakabahan talaga ako kasi after five years makikita na namin sila ulit pero parang iba e. Parang may mali.