Kate's Pov
"Sagutin mo na kaya? Kanina pa tunog ng tunog 'yang cellphone mo," sabi sakin ni Margaux habang busy siya sa pagrereview.
Bumuga ako ng hangin bago kunin ang phone ko at sagutin ang tawag. It was Hailey.
"Bakit?" salubong ko.
"Did you received it?"
"Received what?"
"The text! The picture! Did you?"
"Woah, easy there. Bakit parang kinakabahan ka?" nagtataka kong tanong kaya napatingin na sakin si Margaux. "Okay wait. Titignan ko. Don't hang up." sabi ko at tinignan ang messages.
Napamura ako nung makita kong may nagtext saakin at may picture pa. It's our parents! Kahit si Grandma ay nandito!
"Meron? Nakita mo?"
"Margaux, check your inbox. Now!" utos ko kay Margaux.
"Paano? T*ngina hindi ko maintindihan paano?!" sigaw ko.
Hindi maalis sa isip ko ang nakitang picture. Mga nakapiring ang mga magulang namin! Hawak sila ni Shane at sa likod ng mga magulang namin ay mga Phoenix!
"Holy shit. Nasan sila Hailey?" tanong ni Margaux at bumangon siya mula sa pagkakahiga.
"Nasan kayo?" tanong ko kay Hailey.
"Nandito sa dorm. Anong gagawin natin? Si Catastrophe hindi namin makausap!"
Napatingin ako kay Margaux at tumingin din siya sakin.
"Pupunta kami diyan." sabi ko at binaba ang tawag.
Hinablot ko lang ang wallet ko at lumabas na kami. Nakasalubong pa namin si Chivas at Ced na may dalang mga pagkain.
"San kayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Chivas at humarang pa sila ni Ced sa harap namin.
"Ced, Chivas, kahit anong mangyari keep the doors locked, okay? Kapag dumating si Kuya sabihin niyo din sakaniya na paghigpitan lalo ang security dito satin. Kung pwedeng magpapunta pa siya ng ibang guard magpapunta siya, got it?" dire-diretsong sabi ni Margaux.
"Ano bang nangyayari, ate? Anong problema?" tanong ni Ced.
"Tsaka nagtext ba sainyo sila Mommy? Wala pa sila e." si Chivas.
Bumuntong hininga ako at niyakap si Chivas.
"Babalik kami." sabi ko at umalis na kami ni Margaux.
Pagkasakay pa lang sa sasakyan ay pinaharurot niya na agad ito paalis. Hindi pa ata kami umaabot ng thirty minutes ay nasa Statton na kami. Pumunta agad kami sa dorm at nakita sila Hailey na nakaupo sa mga kama nila at halatang nam-mroblema.
"What's the update?" tanong agad namin sakanila.
"Wala. Wala ng text. We tried calling her but she can't be reached anymore. Kambal, anong gagawin natin?" nagaalalang tanong ni Key.
Umupo ako sa sofa nila at tinignan ulit ang cellphone ko. Maayos pa naman ang itsura nila Mommy sa sinend ni Shane na picture sakin pero sa sobrang daming Phoenix na kasama niya alam kong wala silang laban.
Lahat kami biglang natahimik. Tinignan ko si Cata at mukhang may malalim siyang iniisip. Napayuko ako at naisip kung ano ng kalagayan ng mga magulang namin ngayon.
Bakit kailangan ganito pa kahirap? Bakit inuunti unti pa? Pwede namang kami na lang. 'Wag niya ng idamay yung magulang namin.
Nakarinig kami ng sunod sunod na daing kaya napatingin kami sa bintana. Nakita naming sunod sunod na pumasok sila Tres, Kwatro at Singko. Bumukas naman ang pinto at pumasok ang magpinsan na si Uno at Dos.