Chapter 6

3K 89 14
                                    

May gusto lang po akong i-clear dahil mali mali nanaman po nalagay ko sa book one. Si Kate po ay sa Photography Club. Si Margaux sa Modeling. Ang course po ni Kate ay MedTech. Hindi Multimedia Arts. Sorry po!

Margaux's Pov

Abala ang lahat para sa darating na College week. Panay din ang pagp-practice namin sa Modeling Club. Ang Fashion Club ang magd-design ng mga isusuot namin. Sila Hailey iyon.

Binase sa mga gawa nila ang mga nakapasok para makapagdisenyo samin. Isa na doon si Hailey. Magaling magdesign si Hailey at siya ang kinuha kong designer.

"No, no! Ayoko niyan! You need to look at them with your fierce eyes! Walang emosyon ang mata mo." saway ni Miss sa kamiyembro ko.

Pagod na ako. Kanina pa kami nagp-practice dito. Thursday ngayon at may battle pa kami bukas.

"Oh God! Margaux!" halos mapatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Miss. "Ikaw ang gumawa at gayahin niyo siya!" may halong pagkakataranta at galit ang boses niya.

Napairap ako at tumayo. Pumwesto ako sa hagdan sa gilid ng runway at tinignan ang repleksyon ko sa salamin na nasa kabilang bahagi.

Bumuntong hininga ako ng tumunog na. Hinintag ko ang beat na bagay para rumampa ako at nang marinig ko iyon ay nagsimula na akong maglakad.

"There! Ganun ang gagawin ninyo! Bakit ba hirap na hirap kayo?" sinenyasan niya na tumayo ang mga rarampa.

Nakita ko ang pagod sa mga mata nila. Ang iba sakanila ay kakatapos lang ng klase at dito na dumiretso, hindi na nagawang magpalit ng damit dahil sa pagmamadali sakanila ni Miss.

"Miss," tawag ko kaya napatingin siya sakin. "I think you need to let us all rest. Dalawang oras at mahigit na po tayong nagp-practice. Yung iba ay pagod at may mga gagawin pa. Besides, we still have one more week and a couple of days..."

"Pero ang mga kamiyembro mo, Margaux! Nakakahiyang iharap sa College week kung ganito! Ang pangit rumampa! Noong nakaraang event ay hinayaan ko lang dahil hindi naman gaanong kaespesyal ang okasyon pero ngayon, hindi na pwede! Ilang buwan ko na kayong hinahasa pero ang pangit niyo pa ding rumampa!"

Nagiinit na ang ulo ko. Dala na siguro ng pagod. Gustong gusto ko na siyang sagutin pero hindi ko magawa dahil baka magkaron pa ko ng record!

"Pero Miss, bukas po ay pwede kaming magextend tutal ay Friday naman po at club day. Pagod na po ang lahat at gutom na din," pinilit kong lagyan ng paggalang ang sasabihin ko.

Hindi agad nagsalita si Miss. Sa sobrang tahimik ay naririnig na naming lahat ang pagpakawala niya ng mabibigat na hininga.

"Okay. Tomorrow, mage-extend tayo. My eyes can't sustain seeing all of you with your bawdy ramps! Dismissed!"

Lahat ay parang nabunutuan ng tinik. Nagpasalamat sakin ang iba at nginitian ko lang sila.

Bumalik agad ako sa dorm. Mabuti at nagawa ko pang magbihis kanina. Sumalampak agad ako sa kama ni Hailey at ramdam na ramdam ko ang pagod.

"'Te, masiyado naman ata kayong pine-pressure niyang head ng club niyo," puna ni Key.

"Nakakainis nga, e..."

Hihintayin ko pa si Kate at Kuya. Parehas pa silang may klase at mabuti na iyon para makapagpahinga muna ako.

Naligo ako ulit dahil ramdam na ramdam ko ang panglalagkit ko. Nagbihis ako at bumaba sa kusina para tignan ang meron.

"Marg! Tara, kain!" yaya ni Tricia sakin.

Tumango ako. Tumabi ako sakaniya at hinintay ang pancake na niluluto ni Athena.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon