Chapter 7

2.5K 82 5
                                    

Hailey's Pov

Mugto ang mata ni Margaux ng pumasok kami kinabukasan. Hindi iyon masiyadong halata pero kung titignan mo ng maigi ay makikita mo. Natatakpan lang kasi ng concealer kaya hindi halata.

"Ano bang nangyari?" kuryoso kong tanong habang nandito kami sa field.

Vacant namin. Namamataan ko ang ibang nagp-practice. Para siguro sa college week. Lahat ay abala doon kahit halos may isang linggo pa kaming natitira.

Tanging si Kate at Cata lang ang wala saming lima. Kahit ang tatlo ay wala din, sila Cassie. May klase siguro.

"I told him my plan, pero hindi siya pumayag. Alam kong nakakahalata na ang Heirs, kahit ang Phoenix, kaya dapat ay gumawa tayo ng move na mawawala ang hinala nila kahit papaano." explain niya.

"Ano bang plano mo?" sabay pa naming tanong ni Key.

"Kailangan kong gumamit ng ibang tao, hindi lang ako kundi pati kayo. Kailangan naming magpanggap na kami sa harap ng lahat. Pwera lang sayo Key,"

Nagulat ako doon. What? Gumamit ng iba? Hindi ko din ata kaya! Ayokong gumamit ng iba kung si Wade lang.

"Sino ba naman kasing papayag sa ganun, Margaux?" bulalas ni Key.

"We understand Genre. Mahal ka niya. Hindi niya kakayaning makita kang kasama ang iba samantalang siya ay nananatiling walang nakapaligid na babae. I mean, oo, maraming nagkakagusto sakaniya but did he think to usd one of them? Hindi diba?" tanong ko.

Umiling si Margaux. Parang gusto niyang maiyak muli pero wala ng lumabas galing sa mata niya.

"Siya naiintindihan niyo. Pano naman ako? Hindi niyo ba ako iintindihin kung ba't ko 'to ginagawa? Para satin din 'to!" singhal niya.

Inalala ko ang explanation niya kanina. Doon ko lang napagtanto ang point niya.

Siguro nga ay ayaw ni Genre na makitang may kasamang iba si Margaux pero para kay Margaux, gusto niya lang kaming iligtas lahat.

"Balewala rin kasi, Margaux. Balang araw malalaman din ng Heirs ang tungkol saatin at ng SP. Mabubunyag din ang sikretong tinatago natin kaya para saan pa 'yan?" tanong ni Key.

"Hindi ba pwedeng mag baka sakali?" kinagat ni Margaux ang labi niya. "Hindi ba pwedeng isipin na baka sa paraang 'to... makalusot tayo? Na baka hanggang pagtapos natin ay maging safe tayo? Dalawang taon na lang, Key! Dalawang taon lang ang kailangan nating pagtiisan. Naniniwala akong sa oras na makagraduate tayo at makasali sa underground ay wala ng palag ang Heirs saatin dahil isa na tayo sa malakas!" punong puno ng sakit at galit ang boses niya.

Parang unti unti ding tinutusok ang puso ko. Masakit makitang nahihirapan ang kaibigan mo lalo na ng dahil sa pagmamahal. Kaya natatakot din akong magpadalos dalos ng desisyon.

Kapag ba naging kami ni Wade, sigurado akong hindi niya ako iiwan at lolokohin? Na baka kaya lang niya ako nililigawan ay dahil naisip niyang challenging ako?

Hindi ko alam!

"Alam mo din ba kung anong mangyayari sa dalawang taon na 'yan  Margaux?" matapang na tanong ni Key.

Napapikit si Margaux at napamura. Halatang hirap na hirap siya.

"Ano bang sinabi ko sainyo? Ano man ang mangyari, madehado man tayo, parusahan man tayo, ako ang sasalo! Naiintindihan niyo? Ako! Walang makakapagpabago ng isip ko. Mamatay na kung mamatay pero ako ang sasalo at hindi kayo!"

"Margaux..." sinubukan kong pigilan siya pero umiling siya at tumayo.

"Trust me, guys. Walang pwedeng manakit saatin." huling sabi niya bago siya naglakad palayo.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon