Chapter 3

3.3K 95 14
                                    

Catastrophe's Pov

"Cata! Tara na dito!" tawag niya sakin.

"Sandali! Kukunin ko lang yung sandwich!" sabi ko at tumakbo papasok ng bahay.

Kinuha ko agad ang dalawang sandwich. Gusto ko sanang ramihan kaso nakalimutan ko yung bag ko sa taas. Dalawa na lang.

Tumakbo agad ako palabas. Nakita ko siyang naghihintay doon habang nakasakay sa bike niya.

"San ako? Sa harap mo? Ayoko!" tumigil ako sa pagtakbo sa gilid niya at tinignan ang bike niya.

Tumawa siya. "Ang arte mo! Ayaw mo nun? Para nga secured ka sa magkabilang braso ko."

Inirapan ko siya. "Asa!"

"Dito ka sa likod. Assuming ka e,"

Pinatong ko ang paa ko sa magkabilang patungan at humawak sa balikat niya. Hawak hawak ko ang plastic na may lamang plastic pero bago pa makaandar ay pinitik ko ang tenga niya.

Tumawa lang siya at pumunta na kami sa tambayan namin. Yung sa gilid ay daanan habang sa harap ay river.

"Pagkain?" tanong niya at nilahad ang kamay niya.

Nilagay ko agad ang sandwich doon.

"Isa lang?" ngumuso pa siya.

"Ang arte mo ah! Atleast nga may nadala pa ako." irap ko sakaniya.

"Akin na lang 'yang iyo," umamba siyang kukunin ang sandwich ko pero nilayo ko agad 'yun sakanya. "Ang damot! Ako nagpagod magbike tas isa lang akin?"

"Edi kumuha ka sa bahay, Mawie!" irap ko sakaniya.

Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Inakbayan niya ako habang nagsisimula na siyang kumain ng sandwich.

"Napansin ko, hindi pa pala tayo nag aaway 'no?" tanong niya saakin.

"Mukha bang hindi pa tayo nag aaway?"

"Oo kaya! Asaran lang!"

Piningot ko siya. "Napaka mapang-asar mo kasi!"

"Aray naman!" daing niya. "Pero... hindi naman natin hahayaan na mag away tayo diba? Kasi pag nag away tayo, hindi tayo maguusap. Hindi pwede 'yun. Gusto ko lagi kitang nakakausap."

Imbes na tumili ay kumagat na lang ako ulit sa sandwich ko. Ayokong ipahalata na kinikilig ako.

"Go away! Ayokong makita ka ulit! Dahil sa pagmamagaling mo, nawala si Shaz!" galit na sigaw niya sakin.

"Mawie... p-please..." umiiyak kong sabi pero tinalikuran niya lang ako.

"F*ck!" mura ko at napaupo.

Pumikit ako ng pariin at pinatong ang dalawang palad ko sa noo ko.

Para saan yung panaginip na 'yun? Para ba iparamdam ulit sakin yung sakit? Tama na! Alam kong ako ang may kasalanan pero tama na!

Bumuntong hininga ako at tinignan ang orasan. Alas nuwebe pa lang at limang oras pa lang ang tulog ko. Mabuti na lang at wala kaming pasok ngayon.

Tinignan ko ang drawer sa gilid ko kung saan may lamp shade at picture frame. Kinuha ko ang frame at tinitigan iyon.

Ito yung pinakahuling maayos na picture namin ni Mawie. Parehas ang tshirt namin na suot at nakahawak siya sa bewang ko habang nakangiti kami. I was fourteen this time while he's thirteen.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon