Shoutout kay @ItsJoanDelaCruz. Ito na be! Haha! Nakalimutan ko nung previous chapter e. Enjoy reading! xoxo
Hailey's Pov
"Bitches? Saang grupo kayo?" tanong ng isa.
Umirap si Cata at tumungo sa iPad na nasa gilid. Agad niyang tinipa ang site ng GW at pinakita ang ranggo at picture namin doon.
Tinitigan kami ng dalawa. Para bang hindi sila makapaniwala na kami iyon. Tumabi sila at hinawakan ang doorknob ng double doors.
"Sorry po... Pasok na po kayo."
Napangisi kami at pumasok. Sumalubong samin ang usok na nanggagaling sa yosi at ang amoy ng alak.
Madaming tao. Naghuhumiyaw na mga gangsters ang lahat ng nandito. May mga tattoo ang karamihan. Para din itong club. May isang side na puro sofa at dancefloor. Maingay din dahil sa tugtog.
Sa kabilang gawi ay nandoon ang mga naglalaban. Kaya lalong dumagdag ang ingay dahil sa hiyaw ng mga tao.
"Iyon ang Ferrer oh!" tinuro ni Key ang mga VIP na nakaupo at nanonood ng laban.
"Drinks, ladies?" may lumapit saaming isang lalaki na may dalang mga drinks.
Ngumiti ako sakaniya at kumuha ng isa. Sumimsim ako doon habang nililibot ang paningin ko at halos mabuga ko na ang wine na ininom ko dahil sa nakita ko.
"Gross!" singhal ni Kate saakin dahil siya ang nasa harap ko.
Lumipat ang tingin nila sa tinitignan ko. Mula dito ay kitang kita namin ang Phoenix, SP, BM at Heirs na magkakasama habang may kausap na isang Mafia group din.
"What do you expect? Isa sila sa high ranked gang kaya nandito 'yang mga 'yan," sabi ni Margaux.
"Doon tayo!" turo ni Kate at tumungo kami sa battle arena.
Nanood kami ng mga laban. Nakakita ako ng ibang galaw na ginagawa ng SP o kaya BM pati ng ibang grupo. So dito nila nakukuha ang techniques nila?
Nanliit ang mata ko habang tinitignan ang mga babae na nakasuot ng pang-sexy at lumalapit sa mga naka-tuxedo na halatang mayayaman at sangkot din sa Mafia.
"That hurts, man!" hiyaw ng mga tao sa laban na nagaganap.
Halos mapapikit ako sa nakikita. Parang kahit ako ay nasasaktan.
Hindi katulad sa SU, dito sa underground maaari kang gumamit ng mga hand weapon pwera sa baril at kutsilyo. You can only use tubes and others.
"I wanna try!" sigaw ni Cata habang tumitingin sa naglalaban.
Nawala na ang pagkatakot niya sa dugo. Sa ilang beses ba naman naming pakikipaglaban ay na-overcome niya na iyon.
"We can't, Cata. Delikado dahil may mga hawak silang weapon. Baka mapano pa tayo!" sabi ko sakaniya.
"You guys are boring!" irap nito.
Hindi ako dinalaw ng antok habang nandoon kami. Sa tingin mo ba aantukin ka kung ganito ang napapanood mo?
Bukod sa panonood ay nilibot pa namin ang underground. Hindi ko inakalang ganito pala ito kalaki. Akala ko battle arena lang ang nandito pero marami pa pala.
Hindi ko din alam kung gaano ito kalalim basta ang alam ko ay mahaba ang hagdan nito. Nagkaroon pa sila ng second floor kung saan may space sa taas na kita kami rito sa baba.
"I'll just pee," paalam ko sakanila at tumungo sa restroom dito.
Pumasok ako sa isang cubicle. Saktong pagsara ko ay narinig kong bumukas ang pinto at nakarinig na ako ng nagk-kwentuhan.