Chapter 31

2.4K 69 43
                                    

Margaux's Pov

Tumungo kami sa abandonang building. Last battle na naming tatlo 'to and so far, tie kami ng BM. Lamang samin ng dalawa sila Genre kaya sigurado ng pasok sila sa 7th round.

"Goodluck," sabi sakin ng isa sa tatlong babae na nagbabantay.

Pakiramdam ko mas marami ang manonood ngayon. Dumaan kami sa kabilang daan para sa kwarto namin at naghanda.

"Heads up." sabi ni Kate.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin pagtapos ay tinignan ko ang kamay ko. Nakakuyom ito at ramdam ko ang nasa loob nito.

Binuka ko ito at nakita ang kwintas. Tumikhim ako at nilagay iyon sa bulsa ko.

Ayoko mang maniwala pero hindi ko maitatanggi ang katotohanan.

"It's time!" sigaw ni Tricia kaya pumunta na kami sa pinto at inabangan ang pagtawag samin.

"Hello, gangsters! We are here now to witness kung sino ang makakatungtong sa seventh round natin. Who's your bet?" kanya kanyang sigaw ang mga tao. "Let's see! May we call on, Solid Princes, Burning Mafia and Bitches!"

Sabay sabay kaming pumasok. Ngayon ko lang napansin na ang pinanggalingan namin ay sa gitna. Nasa kaliwa namin ang SP at sa kanan ang BM.

Tama nga ako. Lalong dumami ang mga nanonood. Lalo din silang umingay. Hindi ko nga alam kung yung iba dito estudyante pa ba ng SU o hindi.

Tinignan ko ang Heirs at nakatingin lang sila ng maigi saamin. Nilibot ko ang paningin ko at sinubukang hanapin si Shane pero hindi ako nagtagumpay.

Tumunog na hudyat na simula. Nakita ko agad ang mabilis na pag-atake ng BM sa SP. Mabibigat ang bawat suntok na pinapakawalan nila kaya sumabay na kami.

Dumapa ako at umikot. Tinamaan ko ang mga binti nila gamit ang paa ko kaya nacombo ko silang napadapa.

"Fight." sabi ko sakanila.

Sinalubong ko ang kamao ni Wade at nilagay iyon sa kabila niyang balikat bago siya tadyakan at napasubsob kay Kenji.

May humawak sa balikat ko at bago ko pa siya mahawakan ay naramdaman ko na lang na binuhat niya akong parang sako kaya hinanda ko na ang sarili ko para sa pagtama ko sa sahig.

"Margaux, listen, I know we'll lose pero-" hindi naituloy ni JV ang sasabihin niya dahil nabitawan niya ako.

Naramdaman ko ang kamay na sumapo sakin pero agad din akong binitawan.

"Don't hurt my girl." mariin na sabi ni Genre at mabilis na sinuntok si JV.

Lumayo ako kay Genre. Nabubuhay ang galit sa dibdib ko kaya pati ako ay mabibigat ang pinapakawalang suntok.

Dalawang beses akong yumuko para mailagan ang suntok na binibigay sakin ni Gin. Nang makahanap ako ng tyempo ay sinuntok ko siya at hinatak. Pinatong ko ang kamay niya sa balikat ko at malakas na sinipa pataas ang gilid ng binti niya kaya bumagsak siya.

"Bitches! Bitches!" hiyaw ng crowd.

"No! Burning Mafia show them what you've got!"

"You never failed us, Solid Princes!"

Tinuloy namin ang laban. Hindi ako nakaramdam ng pagod lalo na nung makita ko si Shane na nanonood malapit sa Heirs.

Tumakbo patungo sakin si Steven at umamba muli kaya hinawakan ko ang kamay niya at nilagay iyon sa likuran niya. Sunod na umatake ay si MJ kaya habang nakahawak ako kay Steven ay kumapit ako ng mahigpit sakaniya para maiangat ang sarili ko at masipa si MJ dahilan para bumagsak ito.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon