Key's Pov
Friday at kinailangan na naming tumungo sa mga clubs namin. Sabay sabay kaming pumunta sa Hall at nakita namin ang mga studyanteng nagkalat.
"Sa labas na lang tayo kumain pagkatapos," anyaya ni Hailey.
"Sige. Basta sa labas tayo magkita kita." sangayon ni Kate.
Nagpaalam na ako at pumasok na ako sa loob ng dance club. Sumalubong saakin ang ingay ng tugtog at ang mga kaclub kong sumasayaw at gumagawa ng steps.
"Cassie!" tawag ko kay Cassie ng makita ko siyang nandito sa loob.
Tinignan niya ako habang papalapit ako sakaniya. Umupo naman ako agad sa tabi niya.
"Dati wala ka naman dito ah?" tanong ko sakaniya dahil parang ngayon ko lang siya nakita.
"Dito ako. Kaso minsan lang ako umattend dahil tinatamad akong sumayaw,"
Tumawa ako at umiling. Nakita ko ang pagpasok ni Jeremiah. Sumunod ay si Jmart. Nakita nila akong dalawa. Parehas nila akong nginitian kaya nginitian ko din sila pabalik. At dahil hindi nga pwedeng magsama ang magkalaban dito ay pumunta si Miah sa mga kaclose niya.
"Kayo na ba niyan?" kuryosong tanong ni Cassie sakin.
Umiling agad ako. "Hindi ah!"
"Pero diba nililigawan ka? Kailan mo balak sagutin?"
Tinignan ko si Miah. Nakikipagtawanan siya ngayon sa mga lalaking kasama niya. Nang makita ko ang tingin ng ibang babae saakin ay agad kong tinignan si Cassie.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.
"Walang problema kung mainlove ka. Ang problema niyo lang naman diba yung tungkol sa Heirs?"
Tumango ako.
"Just do what you think is right. I know you both can fight for your love,"
Tinignan ko siya. How come she knew that I love Jeremiah already?
Para bang nabasa niya ang tanong na nasa isip ko kaya agad siyang nagsalita.
"I can see it in you. I'm inlove, too. Alam ko ang tingin at kilos ng isang babae kung inlove ba siya o hindi."
Parang naging interesting sakin ang topic kaya tinuon ko na ang buong atensyon ko sakaniya.
"Really? Ilang buwan na ba kayo ng boyfriend mo?" kuryoso kong tanong.
Tumawa siya. "Three years and ten months na kami. Turning four years sa January ten."
Namilog ang mata ko.
"Omg! Ang tatag niyo!" nayugyog ko pa siya.
"Napagdaanan din namin 'yan. Against all odds din kami. Pero pinatunayan namin sa lahat na pwedeng maging kami at mahal namin ang isa't isa,"
"Mabuti kinaya niyo?"
Ngumiti siya. "Oo naman. Pinanindigan namin parehas ang sinabi naming walang iwanan lalo na sa problema. Kaya kayo, naniniwala akong kaya niyo 'yan. Matatanggap din kayo ng Heirs, patunayan niyo lang."
"Pero... iba naman ang sitwasyon namin sainyo e,"
"Sabagay..." napabuntong hininga ako. "Pero I'm always here for all of you. Handa akong makinig sa problema niyo at bigyan kayo ng payo lalo na sa mga pinagdaanan ko,"
Tumango ako at inakbayan siya. Inilapit ko ang mukha niya saakin na para bang niyayakap siya.
"Thanks, ate Cassie,"