Chapter 18

2.1K 68 6
                                    

Itong first part po ay yung nasa warehouse po sila. Enjoy reading po! :)

Catastrophe's Pov

Hinablot ko ang tubo at malakas na hinampas iyon sa lalaking sumugod saakin.

Bullshit! Kailangan ng maubos 'to lahat dahil pagod na ko!

"Ako na dito." sabi ni Kenji na biglang sumulpot sa gilid ko.

Napasulyap ako sakaniya pero binaling ko agad ang atensyon ko sa mga sumusugod.

Yumuko ako at sinalubong ng sapak ang lalake.

"Ano? 'Wag kana dito! Dun ka sa SP! Ilayo niyo na Heirs dito!" sigaw ko sakaniya.

"Pero--"

"Tres!" sigaw ko sakaniya at tinignan siya. "Tulungan mo sila dun! Kaya ko dito! 'Wag ka ng magpumilit at puntahan mo na sila dun!" sigaw ko at binaling na ang atensyon ko sa pakikipaglaban.

Hindi ko na narinig ang naging sagot niya. Basta ang alam ko ay nung tinignan ko ang pwesto niya kanina, wala na siya dun.

May humawak sakin mula sa likod kaya binawi ko ang kamay ko at hinawakan siya sa balikat at tinuhod ang sikmura.

Nakarinig ako ng sigaw sa likod ko kaya umikot ako at akmang hahampasin siya pero napatigil ako.

Hindi ko alam kung bakit. Nakita ko kasi ang pagkagulat sa mukha nung lalake. Pero meron akong ibang naramdaman. Kumabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung para saan 'yun.

"C-Cata?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Sino ka?" tanong ko.

Matagal siyang nakatingin sakin kaya hinampas ko agad ang tubo na hawak ko sa braso niya at papangahan na sana siya kaso bigla niyang hinawakan ang kamao ko.

"You don't remember me?" tanong niya pero halatang bigla pa din siya.

"Sino ka ba? Pwede ba 'wag moko idaan sa ganiyan ganiyan mo?" inis kong singhal sakaniya at binawi ang kamao ko at agad siyang tinadyakan.

Sinugod ko siya at inatake ng suntok kaso nahawakan niya ako ulit at nilagay ang kamay ko sa likod dahilan para mapaikot ako at nasa likod ko na siya.

Sinubukan kong pumiglas gaya wala akong choice kundi ihampas ang likod ng ulo ko sa noo niya kaya napaatras siya.

Kinuha ko ang kutsilyo na nasa gilid ko at akmang isasaksak na iyon sakaniya pero nagsalita siya.

"Cata, ako 'to. Si Eric." seryoso niyang sabi.

Napatingin ako sakaniya. Ramdam ko ang pagkabigla ko at napalunok ako bigla.

"Cata bakit ka nandito? Bakit ka kasama ng gangs ng SU?" takang tanong niya.

Cata hindi ka pwedeng magpa-apekto! Hindi mo pwedeng ipakitang nabigla ka sakaniya! Tandaan mo kung bakit ka nandito at 'yun ang mahalaga!

Para akong nabalik sa huwisyo at idiniin ko ang kamay ko pero agad siyang nanlaban.

"Papatayin mo ba talaga ako? Babawi ka dahil sa ginawa ko dati?" sumilay ang malungkot na ngiti sa labi niya. "Sige, Cata. Tapusin mo na ko ngayon."

Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng awa sakaniya.

Baliw kaba, Catastrophe?! Hindi mo kailangang kaawaan ang taong dahilan kung bakit namatay si Shaz! Yung taong naging dahilan kung bakit nagalit at lumayo sainyo sila Mawie!

Pero kahit ako, hindi naniniwala sa naisip ko.

Hindi mamamatay si Shaz kung hindi ako nagdesisyon ng ganun. Hindi mamamatay si Shaz kung hindi ako kumampi kila Eric. Hindi mamamatay si Shaz... kung hindi dahil sakin.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon