Margaux's Pov
Puro tawanan at hiyawan ang maririnig mo kada saan ka magpunta.
It's College week and it means, malaya ang lahat. Stress free!
Pero sa iba lang iyon, mahahalata mo sa mga kasama sa GW na problemado ang lahat. May ibang gang na tinawag para papuntahin sa ibang Phoenix member. Hindi pa din kasi napapakawalan si Heiress at nasa kamay pa siya ng Sicilian.
"Nakakawalang gana manood sa laban ng basketball dahil wala ang SP," rinig kong sabi ng babae na dumaan sa gilid ko.
"Kailan ba sila papasok? I found SU lonely when they're not around."
"I heard Wade's still not awake,"
Napabuntong hininga ako. Wade Alonzo, kailan mo ba kasi balak gumising at nang bumalik na kayo dito?
"Margaux!" napalingon ako kay Cata na ngayon ay tumatakbo na papunta sakin.
"Sa Gymnasium na daw! Kung san san ka pa pumupunta!" sermon niya at hinila ako.
Pagdating namin sa Gymnasium ay sobrang dami ng tao. Hindi mo aakalain na nagkasya lahat ng studyante ng SU dito sa loob.
Napatingin ako sa stage. Nakita ko ang lalaking may tattoo na sumisimbolo ng Phoenix. I guess he's in his mid 30s. Malamig ito kung tumingin at halang strikto. Nakakatakot. Para bang kahit kanino ay may problema siya.
"Bakit mas nakakatakot si Sir Alfonso kesa kila Heiress?" bulungan ng nasa tabi ko.
"Sino ba namang hindi matatakot diyan? E siya pinakamataas ang ranggo sa Phoenix diba? Bakit siya nandito?"
"Pumupunta lang naman 'yan kapag wala ang Heirs. May nangyari ba?"
Gustong gusto ko silang patahimikin dahil naririndi ako sa mga boses nila pero mas pinagtuonan ko ng pansin ang lalaking tinutukoy nila.
Sa anim na buwan ko dito sa SU, ngayon ko pa lang siya nakita.
Lumitaw si Kyle at may binulong siya sa lalaki. Hindi manlang nagbago ang reaksyon nito at tumango lang.
Tatay ba 'to ni Genre? Parehas sila ni Genre kung makatingin e.
"Goodmorning, students!" bati ng emcee kaya nagingay na ang mga studyante. Kanya kanyang taas ng tarpaulin at kulay ng lobo. "Wow naman! Hindi halatang masayang masaya kayo ngayon, ano?" tumawa ang emcee. "So before we start our activities, let's call on Sir Alfonso Sinadjan!"
Nagpalakpakan ang lahat.
Sinadjan. Tatay nga siguro 'to ni Genre?
Tumayo si Sir Alfonso at tumungo sa mic. Malamig ang tingin niya at nilibot niya muna ang tingin saming lahat.
"I'm glad to be here again but I know all of you are curious why I'm here and where's the Heirs, am I right?" halos magtaasan ang balahibo ko sa nakakatakot niyang boses. "Obviously, something happened unexpectedly. But I want to say to all of you that there's no need to think about. The Heirs and I wants all of the students to have fun. This is your free week and you can do whatever you want. Enjoy." malamig nitong sabi at bumaba na ng stage.
Napatingin ako sa mga Professor namin na nasa isang tabi at parang walang alam. Hindi manlang ba sila nagtaka kung sino iyon at kung bakit siya nandito?
"Magaling manloko ang Phoenix." bulong ni Cata sakin.
May sinabi pa ang emcee tungkol sa mga mangyayari sa buong week. Activities and others.
"Are you proud of your team!?" tanong nito kaya naghiyawan ang lahat at kanya kanyang taas muli ng mga kulay. "Let's start the warm fuzzies!!" sigaw nito kaya agad nagtayuan ang mga studyante at naglabasan.