Thank you for coming this far with me. Hanggang sa mga susunod ko pa pong istorya! :)
Margaux's Pov
Mabilis kong hinablot ang baril na nasa tagiliran ko at tinutok sa paparating na kalaban. Kakalabitin ko na sana ang trigger pero nasipa nito ang kamay ko. Agad akong umiwas at siniko ang likod niya bago tuhudin ang ulo niya at hinablot muli ang baril ko.
Habang tinitignan ko siyang namimilipit nagdalawang isip ako kung ipuputok ko na ba ang baril. Pero nagflashback sakin lahat ng ginawa ni Shane. Kung may papatayin man ako dito si Shane dapat iyon at hindi 'tong mga taong tinutulungan lang siya.
Nung nakita kong patayo na siya ay ihahanda ko na sana ang sarili ko para sa pag-atake niya pero nagulat ako nung bumulagta siya at umagos na ang dugo mula sa katawan niya.
"I can do it for you," sabi ni Genre. "Let's stick together."
Tumango ako at magkadikit naming nilabanan lahat ng nakakasalubong namin.
Hindi ko inaakalang ganito pala karami ang magiging kalaban namin. Tama nga si Heiress. Hindi sapat yung mga grupong kinuha namin dahil doble pa ata o triple ang rami nila.
Si Genre ang sumuntok sa paparating na kalaban at ako nanatili sa likod. Nung makita kong nanghihina na ang kalaban ay tumakbo ako at tinalunan ang likod niya kaya napasubsob siya kay Genre.
"Genre!" tawag ko sakaniya nung may umambang babarilin siya pero mabilis kong hinagis ang kutsilyo ko at tumama ito sa dibdib niya.
"That's my girl." nakangising sabi ni Genre bago bigyan ng malakas na sapak ang kalaban na nasa harapan niya.
Nilibot ko ang paningin ko at pilit hinanap kung nasan sila Mommy at Shane. Nagsisimula nanamang umusbong ang galit ko nung hindi ko sila mahanap.
"We will find them later. For now, let's focus on finishing all of these idiots." sabi ni Genre.
Pinagpatuloy namin. Minsan nawawala si Genre sa tabi ko minsan ako ang nawawala sa tabi niya at sinasamahan sila Kate.
Halos mapamura ako nung makaramdam ako ng paghatak sa likod ko at malakas na sampal bago ako tadyakan sa tyan. Halos namilipit ako sa sakit. Sa sobrang panghihina ay hindi ko magawang kunin ang baril na nasa gilid ko.
"ATE!!" kilala ko ang boses na iyon.
Pinilit kong hanapin kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko sila Chivas sa pinakahuling palapag ng bahay. Hawak sila ng mga tauhan ni Shane. Kahit ang ibang Heirs at si Shane ay nandoon at pinapanood kami.
Pinilit kong tumayo pero may humatak sakin.
Tangina, akala ba nila hahayaan ko silang saktan ako ng ganto ganto lang?
Inipon ko lahat ng lakas ko at mabilis siyang hinawi. Binalanse ko ang sarili ko gamit ang kamay ko at umikot kaya natumba parehas ang nakapalibot saakin.
Kinuha ko ang kutsilyo na nakalagay sa bulsa ng jacket ko at umikot ulit. Naramdaman ko ang pagtalsik ng dugo sa damit ko kaya tinignan ko ang natamaan ko at nakitang ay daplis ito sa dibdib.
"Kung sana hindi lang kayo kumampi kay Shane." sabi ko at tinulak siya papunta kay Kate.
Yuko. Iwas. Hampas. Baril.
Sa dami nila hindi ko alam pano ko sila nagagawang iwasan. Luckily wala pa akong matinding sugat at wala pa namang nagdudugo saakin.
Natigil kami nung may marinig kaming paghinto ng mga sasakyan. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ang apat na van at sunod sunod na nagbabaan ang mga nakasakay dito.