Chapter 1

6.7K 123 12
                                    

Margaux's Pov

Second sem.

Ang bilis ng araw. Parang kailan lang ay kakabalik pa lang namin dito. Parang kailan lang hindi namin naisip na sumali sa gang. Parang kailan lang normal na studyante lang kami. Pero ano na kami ngayon? Ito, gangsters.

Rank 3 in the Gang World here at SU. Kasabay ng pagumpisa ng klase ay pagumpisa ulit ng battle.

"Hi guys!" kumaway si Athena saamin.

Napansin kong dalawa lang sila ni Tricia. Hindi sila naghihiwalay tatlo kapag vacant.

"Nasan si Bea?" tanong ko sakanilang dalawa.

"Uhh, hindi ba niya sinabi sainyo?" naiilang na tanong ni Athena saamin.

"Na ano?" kuryosong tanong ni Key.

"She dropped already. Financial problem," malungkot ang tinig ni Tricia ng sabihin niya iyon samin.

Tumaas ang kilay ko. Akala ko scholar siya dito? Pero sa pagkakaalala ko, wala naman siyang nabanggit na scholar siya. I just thought so.

"Ohh..." ayun lang ang tanging lumabas sa bibig namin.

The last time we were together, hindi masyadong naging maganda. Kumokontra siya noon tungkol sa nagiging sitwasyon namin sa SP. I can't blame her, though.

"Kyaaaaaaaah!"

Napapikit ako sa tili ng mga babae. Napatingin ako sa tinitilian nila at nakita ko ang Burning Mafia.

Napako ang tingin ko kay JV. Hindi na kami gaanong naguusap. Or should I say, hindi na talaga kami naguusap. Kahit sa text ay hindi na. I think it's better this way.

Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siyang tumingin sakin. Nakita ko ang sakit sa kaniyang mata kaya napaiwas ako. Hindi ko kayang tignan ang mata niya. Para kasing tumatagos din saakin ang sakit.

"I wonder where they were the whole sem break," nakalagay sa dibdib ang isang kamay ni Hailey at nakapatong ang siko niya sa kamay niya habang ang isang kamay niya pa ay nakahawak sa baba niya. Ay basta yung pang maarte!

"I heard they went out of the country," hindi siguradong sabi ni Athena.

Napasinghap ako ng dumaan sila sa gilid namin. Their familiar scent crossed my nose. Lalo na ang kay JV.

Tinignan ko ang oras at nakita kong maga-alas onse na.

"Papasok na ako. Eleven next class ko." sabi ko sakanila.

"Bye! Text na lang mamayang lunch!" kaway ni Cata saakin.

Wala si Kate dahil nasa klase pa siya. Tuloy tuloy ang klase niya kaya hindi namin siya nakasama ngayon.

Sumakay akong shuttle at pinagmasdan ko ang bawat nadadaanan namin. I missed Statton and I admit it. Masakit lang maisip na ito ang reyalidad.

Ito ang reyalidad na kailanman hindi na mababago.

"Bonjour!"

Napairap ako sa salubong ng Prof namin samin. Not again!

"Look at that girl," tinuro pa sakin ni Cata ang babae.

Nasa cafeteria kami ngayon. Lunch na at nagpapasalamat ako doon. Wala na yung duguan ng utak na kakasalita gamit ang french words!

"Where?" tanong ko ng hindi ko mamataan ang tinuturo niya dahil ang daming babae.

"Iyon o! Yung kumakain mag isa?"

Natigil ang tingin ko sa babaeng kumakain magisa. Morena siya at malalim ang mga mata. Parang handa siya lagi sa away.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon