Hailey's Pov
Nanglalambot ang tuhod ko habang sinasalubong ang tingin ni Wade saakin.
Kitang kita ko ang pagmamakaawa sa mata niya. Gusto kong magbingi bingihan. Gusto kong magkunwari na wala akong narinig. Na wala akong alam. Hindi ko matanggap ang mga narinig ko kanina.
"Masakit?" tanong ni Shane saamin.
Nakangisi siya pero tila nagpapahiwatig ang ngiti na 'yun ng delikado. Ang mata niya ang nagsasabi ng tunay niyang nararamdaman.
Galit.
Lumipat ang tingin niya sa taong nasa tabi ko. Kumalabog ang dibdib ko. Hindi nawala ang tingin niya sa taong iyon kaya hinawakan ko ang kamay ni Cata.
"Masakit ba, Catastrophe?" tanong niya ulit. "That's why your parents named you Catastrophe. Because you are a terrible disaster. To your parents and to everyone."
"Shane!" galit na sigaw ni Kenji sakaniya.
Kenji. Kenji Mawie.
"Wala pa tayo sa kalahati, Cata. Unti unti kong ipaparanas sayo ang sakit. Hindi ko gagawin sayo yung ginawa mo noon na biglaan. Uunti untiin ko para mas madama mo." puno na ng galit ang boses ni Shane.
Hinigpitan ko ang paghawak ko kay Cata. Nilingon ko siya pero nakita kong hindi siya umiiyak. Walang ekspresyon ang mukha niya at doon ako natatakot.
"Anyway, are you all mad at me? You shouldn't! You should thank me for hiding your relationshit!"
"Shane, that's enough." mariing sabi ni JV.
"Oh, why, JV? Scared that I might hurt your precious girl? I'm sorry but that's already planned." para bang nalulungkot pa ito.
Halo-halo ang nararamdaman ko. Galit, inis, sakit, lungkot. Pakiramdam ko nga hindi ko na kakayanin ang sabay sabay na emosyon na iyon.
Muli, nagtama ang mata namin ni Wade.
Hindi ko pa din matanggap. He was the one I told stories about Xyleus. He was the one who comforted me whenever I break down because I miss Xyleus.
Gusto kong matawa. Nakakatawa dahil wala akong kaalam alam na yung taong kinekwento ko sakaniya ay siya. Na nasa harapan ko na pala.
Gusto kong matawa dahil napakatanga ko. Na ubod ako ng tanga. Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ko nalaman? Bakit ngayon lang kung kailan nangako na ako na I will take risk because I fucking love him that much! Na handa akong ibuwis ang buhay ko makapiling lang siya!? Bakit ngayon lang?!
"Ahhhh!! Bullshit!!" sigaw ni Kate.
And in a blink of an eye, narinig ko ang lagutok ng sampal ni Kate kay Shane. Isang malakas na sampal na parang mababali na ang leeg sa lakas.
"You got us tonight but let us do what we want for the rest of the night." mariing sambit ni Kate. "Galit ka and you want revenge? Then fine. Magsanib pwersa kayong lahat. Pagtulungan niyo kami pero ipapamukha namin sainyo na hindi niyo kami mahihila pababa. Si Shaz lang ang maaaring humila samin. We will let you do what you want pero kung hindi na tungkol kay Shaznielle 'yang gagawin niyo samin asahan mong babalik 'yan sayo."
"Should I be afraid, then? From the very beginning, this is all about Shaz. Wala na akong ibang rason pa para saktan kayo."
"Oh, really? Hindi ba dumagdag ang galit mo saamin nung pinagtapat sayo ni Genre na ayaw na nila? Kasi mahal na nila kami?" sabat ni Margaux. "I get it all now. Kaya minsan bigla biglang nagagalit si Genre. Kaya minsan hindi sila kumpleto. Kaya minsan hindi kami nagkikita. It was all because of you!"