Margaux's Pov
Pagkagising ko lunes ng umaga ay nakita ko ang mga kapatid ko na kumakain na ng almusal. Tinapik ni Kate ang silya sa tabi niya kaya umupo ako at kumuha na din ng pancake.
"College week is so near!" excited na sabi ko nang mapagtantong malapit na ang college week.
"Hindi pwede outsider, ate?" tanong ni Ced saakin.
"I don't know. Wala pang nasasabi ang Dean,"
Sana nga ay pwede. I want them to see our presentation! Ilang linggo din naming pinaghandaan iyon.
"You all done?" tanong ni Kuya na kakapasok lang sa kusina galing sa kwarto niya.
Tumayo agad si Ced at Chivas. Uminom muna ako ng tubig bago sumunod sakanila sa garahe.
Mom and Dad had an urgent meeting. Ang aga nga pero anong magagawa namin? Habang si Grandma ay binisita ang boutique niya.
Ihahatid muna namin ang dalawa sa EU. Pagkatapos ay sa SU na kami dahil maaga ang klase naming tatlo.
"Kuya! Nakita mo yung pamangkin nila Miss Kaitleen?" rinig kong tanong ni Ced kay Chivas.
"Ka-year ko yung babae. Yung Brina?" hindi siguradong sabi ni Chivas.
"Oo, Kuya! 'Yun nga! Ang ganda niya!"
"Ced! Ang sakit mo sa tenga!" reklamo ni Kate na nasa likod kasama ang dalawa.
"Pero, Ate! Kung makikita mo lang kasi. Ang ganda ni ate Brina!"
Napailing ako sa inasta ng kapatid ko. Masisisi ko ba siya? E grade six student pa lang 'yan.
Pagkahinto namin sa EU ay ang bilis ng pagkababa ni Ced. Nakita kong inayos niya pa ang buhok niya sa labas at may tinitignan kaya sinundan ko ang tingin niya.
"Who's that?" tanong ko kay Chivas na nasa likod pa.
"That's Sir Blake's children." sagot niya.
Tinignan ko ng maigi ang babae at lalaki. Maganda yung babae. At kahit ilang beses ko pa lang nakikita ang mag asawang Garcia ay alam kong kamukhang kamukha ng babae si Miss Kylie samantalang ang lalaki ay si Sir Blake.
"Bye, Ate, Kuya!" paalam ni Chivas at lumabas na.
Tinignan ko si Ced mula sa salamin at nakitang abala ang isang 'to sa kakasunod ng tingin sa magkapatid.
Napailing na lang ako at pinaandar na ni Kuya ang sasakyan patungo sa SU.
I didn't heard anything from my friends since Saturday. It's weird. Masyado kasi kaming naging busy noong weekend kaya halos hindi na kami makapagchat sa gc.
Bukas pa naman ang laban namin but I feel something's wrong.
Bumaba ako ng sasakyan pagkadating namin sa SU. All eyes darted on us that's why I glared at them. Napaiwas agad sila ng tingin at nagmadaling maglakad paalis.
"Bye!" paalam ko sakanila at humabol sa shuttle na paalis na.
Five minutes at maguumpisa na ang first class ko kaya nagmadali ako papasok.
Kinuha ko ang cellphone ko habang nasa shuttle at nagtipa ng mensahe.
Ako:
Sleepyhead! It's Monday!
Nakadating na ako sa bldg. D ng wala manlang reply mula sakaniya.
He barely text me, too. At kung magreply man ako, ang tagal pa bago siya magreply pabalik.