Chapter 42

2.1K 52 4
                                    

Hailey's Pov

"Basta ipasa niyo na lang sakin bukas kung anong final design niyo ha?" 

Sumang-ayon ang lahat. Bumuntong hininga ako at inayos na ang gamit ko para makabalik na sa dorm.

Malapit na ang finals. First week na ng March at ilang araw na lang exams na. Kung pwede lang pabilisin yung araw pinabilis ko na para matapos na 'tong klase.

"Alis na ako, guys. Bukas na lang. Bye!" paalam ko sakanila at lumabas na.

Nag-unat pa ako pagkalabas ko. Gusto ko na talaga umuwi at matulog. Sana nandun na si Cata paguwi ko para hindi ako mabored mag-isa.

And yeah, binalik na si Cata. Hindi namin alam kung anong pinag-usapan nila nila Kuya Gian dahil ayaw niyang magkwento basta daw 'wag na siyang intindihin at okay lang siya.

Sa mga Kuya ko naman, ayun. Pinapaalis na nila ako dito sa gang group namin at gusto nila next school year lumipat na din ako ng ibang University dahil hindi daw sila tiwala na nandito ako kahit nandito si Kuya Clark.

"Hello?" salubong ko nung may tumawag sakin.

"Where are you?"

Napangiti ako sa narinig kong boses.

Si Wade.

"Pabalik na sa dorm. Why?"

"Gusto kitang makita,"

Natawa ako sa boses na narinig ko sakaniya. Parang batang nagmamakaawa na bilan siya ng laruan ng Mommy niya.

"Why are you laughing?" 

"Wala. Osige na. Pupunta ako diyan. Matutulog ako, ah?"

"Okay!" masigla niyang sabi at ibababa ko na sana nung may pahabol pa siya. "I love you!"

Napangiti na lang ako at binaba na ang tawag.

Nung araw na nagkaron kami ng away sa mga kapatid namin pumunta si Wade sa bahay nun at kinausap sila Kuya. Nasapak pa nga siya ng dalawa kong Kuya nung araw na 'yun pero hindi siya lumaban pabalik. Sinabi niya pa noon kila Kuya na this time po-protektahan niya na talaga ako at aalagaan pero hindi na naniwala sila Kuya sakaniya. Nagkaayos din naman sila pero gusto talaga nila Kuya na lumipat na ako sa susunod.

We even talked that day. He cried and said how sorry he is for what he have done. Hindi ko na natiis at tinanggap ko siya ulit. Pero sinabi ko sakaniyang we'll take this slow. Kapag naayos na ang lahat dun na kami magiging pwede. Kailangan muna naming gawin ay makaalis sa Gang World para hindi maapply samin ang consequence sa paglabag sa Rule #1.

Nagulat ako nung may humablot sa braso ko ng malakas. Hinatak niya ako sa eskinita na puro locker at patuloy lang ang paghahatak niya sakin.

"Ano ba! Sino ka?!" sigaw ko at lalabanan sana siya pero tinulak niya ako at may humawak sa magkabila kong braso.

Napadpad kami sa hindi masiyadong napupuntahan na lugar dito sa Statton kung saan maraming nakakalat. May mga box, kahoy, spray paints at kung ano ano pang basura.

"Did you miss me?" 

Pilit kong binabawi ang braso ko mula sa mga nakahawak sakin pero masyadong mahigpit ang hawak nila kaya nasasaktan na ako. 

Tinignan ko ng mariin ang taong nasa harap ko. May ngisi na namuo sa labi niya habang tinitignan ako.

"Ano nanamang kailangan mo, Shane?" matiim kong sambit.

"Oh," kumuha pa siya ng maliit na kahoy at pinaglaruan ito. Naglakad siya ng ilang beses habang tinitignan akong nagpupumilit na pumiglas sa nakahawak sakin. "Bakit? Ano bang akala niyo? Tapos na? Girl, hindi pa nga ako nageenjoy."

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon