Kate's Pov
"Choose, with weapon or none?" tanong samin ni Kyle nang magtapat kaming muli ng Solid Princes.
Kulang sila. Wala si Tres. I wonder why pero mamaya ko na lang siya iisipin.
"With," "None," sabay naming sagot ng SP.
Tinignan ko si Dos. Binalik niya ang tingin sakin at nagtaas ako ng kilay. Umiwas siya ng tingin kaya ngumisi na lang ako.
"Oops," sabi ni Kyle. "Hindi pa bumoboto yung ibang miyembro niyo. Ask them." tinuro niya sila Gin at sila Tricia.
Nilingon ni Key ang tatlo sa likuran namin at tinanong. Tinignan muna nila ang mga weapon na gagamitin. Halos mga patalim at pamalo lang naman ang mga iyon.
Nagkatinginan silang tatlo. Alam kong kinakabahan sila dahil baka may mangyari sakanila pero imposible.
"W-With..." parang nagdadalawang isip pa sila.
Hindi na hinintay ni Kyle ang desisyon ng kabila dahil mas lamang na kami. Kung nandito si Tres pantay lang pero dahil nabawasan sila ng isa lamang kami ng isa.
Nilapit ng ibang miyembro ng Phoenix ang table kung saan may mga hand weapon. Nagingay lalo ang crowd. Parang sila pa yung excited sa gagawin namin.
Kinuha ko agad yung patalim. Okay na ako dito. Hindi ko na kailangan ng maraming weapon.
Napatingin ako sa SP nung nakitang wala silang kinuha ni isa. Tanging si Beejay lang ang kumuha ng kahoy.
Tinignan ko ulit si Dos. May ibig iparating yung mga mata niya pero hindi ko 'yun pinansin.
"Focus." sabi ni Margaux kaya tumango kami.
Tinignan ko ang patalim na hawak ko. Sinong madadaplisan neto?
I heard the crowd roaring. Halatang mga sabik at gustong makakita ng pagdanak ng dugo.
Binaba ang pulang ekis hudyat na umpisa na. Unang sumugod sila Tricia. Sumunod ako. Tinago ko muna ang patalim dahil ayoko muna itong gamitin.
Hahampasin ko sana ang balikat ni Justine pero nagulat ako nung nawala siya sa harap ko at naramdaman ang paghinga niya sa likuran ko.
"Not so fast, by." bulong niya.
Aabutin ko sana ang ulo niya pero hinawakan niya ang kamay ko at pinulupot iyon. Pero hindi ako nasaktan. Ang gaan ng pagkakahawak niya sakin.
"Saktan mo. Wala kang thrill kalaban e," hamon ko sakaniya.
Umatras ako at tinignan siya. Umigting ang bagang niya at mabilis na pinatunog ang leeg niya bago ako tignan.
"You know I won't hurt you,"
"Oh really? You just did, Dos." sabi ko at nilabas ang patalim.
Ginawa ko 'yun destruction. Kunwari tatamaan ko siya nun pero ang totoo nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya at hinatak siya hawak hawak 'yun. Naglakad siya ng paatras at napahawak sa kamay ko. Natamaan pa nga namin sila Gin at nung nakita ni Gin ang ginagawa ko hahatakin niya sana ako pero sinangga ko si Justine at binalibag.
Napaupo si Justine. Tinignan ko siya habang pinaglalaruan ang patalim. Bigla siyang tumayo at bago pa ako makakilos nabuhat niya ako.
Shit.
Parang bumigat bigla ang ulo ko dahil binuhat niya ako na parang sako. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na sumalampak sa sahig at ininda ang sakit na naramdaman ko sa likod ko.
"Tangina bakit mo ko tinulak?!" galit na sigaw ni Justine.
Napadilat ako. Kahit masakit pinilit kong tumayo. Nakita ko si Beejay sa gilid niya.