Chapter 35

2.2K 63 7
                                    

Key's Pov

"Babalik kana talaga dun, Ate?" tanong ni Xyra sakin.

Tumawa ako sa reaksyon niya.

"Oo, syempre. May pasok na ulit kami bukas. Ikaw mag-aral kang mabuti, ha? Bantayan mo sila Mommy dito. Kelan na ko ulit makakauwi," sabi ko.

"Ang bitin naman ng bakasyon niyo. 'Wag ka na lang muna pumasok ate. Dito ka muna,"

"Baliw ka. Sige na. Aalis na ako,"

Niyakap niya ako. Niyakap ko din siya pabalik. Siya na lang naiwan sila Daddy umalis na para pumasok sa trabaho eh.

"Pakikamusta na lang ako kila Kuya Miah, Ate. Tapos..." tinignan niya ako at nagiwas ng tingin. "Magiingat ka lagi sa laban niyo."

Nawala ang ngiti ko nung binanggit niya ang pangalan ni Miah. Masakit pa din. Syempre, hindi agad mawawala 'yun. Hindi pa nga nags-sink in ng tuluyan sakin e.

"Isa lang magagawa ko sa dalawang bilin mo. Yung mag-ingat lang." sabi ko. "Aalis na ko. Ikaw din mag-ingat."

Nakita kong nalito siya sa sinabi ko pero 'di ko na pinansin. Ayoko ng pagusapan pa.

Sumakay na ako sa kotse at nagpahatid sa SU. Kinawayan ko si Xyra at nung nawala na siya sa paningin ko ipinikit ko na muna ang mga mata ko.

Pagkarating sa SU dumiretso ako sa dorm. Ako pa lang ang nauuna. Napili ko kasing maaga na lang bumalik dito.

Natulog muna ako at pagkagising ay kumain. Sakto dumating si Hailey kaya sumabay na siya sakin sa pag kain.

"Ano oras ka dumating?" tanong niya.

"Mga 11,"

"Aga mo naman!"

"Si Cata ano oras?" tanong ko sakaniya.

Nagkibit balikat siya. Haaay, hindi nagpaparamdam yung babae na 'yun samin.

Kung nasasaktan kami, pano pa kaya siya? Sinisisi niya nanaman sarili niya for sure. Sasabihin niya nanaman siya may kasalanan kahit hindi.

"Handa ka na ba?" sabay pa naming tanong ni Hailey sa isa't isa.

Tumawa ako ng bahagya pero agad ding nawala iyon. Siya naman ay yumuko.

"Oo naman. Ito na lang yung paraan para malabas natin yung galit," sagot niya.

Napatango ako.

Bukas, umpisa na ulit ng klase. And that means umpisa na ulit ng battle.

Sino nga bang kalaban namin? Edi ang Solid Princes. This is the last round. At sa ngayon, isa lang ang gusto kong mangyari para sa grupo namin, ang manalo. Ang madethrone ang SP laban samin.

**

"Gumising gumising! Magsigising nga! Mga batugan!" ramdam ko ang paghampas sakin ng kung sinomang walanghiya 'yun pero tinadyakan ko lang siya. "Aray!"

Hindi ko na lang siya pinansin pero naramdaman ko ang paghila niya sa paa ko.

"Ano ba!" singhal ko.

"Gumising ka Dela Cruz!"

Dumilat ako at nakita ko si Cata na nakapamewang sa paanan ko. Sumilip naman si Hailey mula sa banyo na may toothbrush pa sa bibig at ngumiti.

"May pasok na tayo te! Gising na!" sabi ni Cata.

Hihiga pa sana ko ulit pero hinatak niya ako ulit sa paa kaya namilog ang mata ko. Muntik na akong mahulog! As in muntik na!

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon