Chapter 38

1.8K 54 6
                                    

Catastrophe's Pov

"Ibaba mo ako dito!" sigaw ko at pilit tinatanggal ang nakatali sa kamay ko.

"Cata, please, ngayon lang. Nililigtas lang kita dahil alam ko balak ni Shane."

"Wala akong pakealam! Kaya kong protektahan ang sarili ko. Kaya kong iligtas ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino!"

He bit his lower lip before looking outside. Alam kong nakalayo na kami. Kung hindi lang ako nadistract kanina nagawa ko pa sana silang labanan.

Pero habang kasama ko si Eric hindi ako nakaramdam ng pangangamba. Ewan ko. Pero parang totoo ang sinasabi niya. Hindi ko lang makalimutan kung gaano kagalit ang itsura ni Shane kanina. Parang nakaramdam din ako ng galit kay Eric.

Kung ako ang nasa sitwasyon ni Shane ganun din siguro ang magiging reaksyon ko. Nakakabuhay ng galit sa oras na makita mo ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid mo at ang taong bumaril sa kapatid mo.

Ilang minuto din akong nakatingin sa labas. Hindi ko alam kung anong daan 'tong tinatahak namin. Hindi ko nga din alam kung saan kami papunta. Gusto ko pa sanang lumaban pero anong silbi? Nakatali ang mga kamay ko at marami sila dito. Imposible ang iniisip kong makatakas dito.

Tumigil ang van sa mahalaman na lugar. Binuksan ni Eric ang pinto at naunang bumaba ang mga tauhan niya. Hindi pa kami bumababa. Sumenyas ang isang tauhan niya sakanya tsaka niya ako tinignan.

"Tara."

Inalalayan niya ako pero hinaklit ko pabalik ang braso ko.

"Kaya ko." matigas kong sambit.

Pagkababa ko napatingin ako sa paligid. Puro halaman. May mga puno na sobrang lago kaya natatakpan nila ang bahay na nakatayo. Simple lang ang bahay. Dalawang palapag.

"Isang ikot bago kayo magsipasok. Balitaan niyo ako," utos ni Eric sa mga tauhan niya at hinawakan niya ang braso ko ng marahan. "Pasok na tayo."

Hindi ako kumibo at binawi ulit ang braso ko.

"Mauna kang maglakad." sabi ko sakaniya.

Nakita ko ang nagaalangan niyang tingin. Umirap ako at pumamewang na parang buryong buryo na kakahintay sakaniya.

"Kung iniisip mong tatakbo ako, ang tanga mo. Mukha bang kabisado ko 'tong lugar na 'to?" tanong ko at napairap.

Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod naman na ako. Gusto kong makatakas pero may pumipigil sa sarili ko. Para bang kailangan kong magstay dito kahit ngayong gabi lang.

Binuksan niya na ang pinto pati ang ilaw. Bumungad sakin ang simpleng bahay. May sofa, maliit na tv, mga bote na nakakalat, baraha, silyang hindi inayos. Pero hindi naman marumi ang bahay. Halatang mga naginuman at nagsugal lang kagabi.

"Nagugutom ka ba?"

"Busog ako," sabi ko at umupo sa sofa. "Hindi mo pa ba 'to tatanggalin?" inangat ko ang kamay ko.

Tinignan niya muna ako bago niya tignan ang kamay ko at lumapit. Tinanggal niya ang pagkatali at naalarma agad siya kaya tumawa ako.

"Masyadong takot ah," iiling iling kong sambit.

"Do you want anything?"

"Tubig."

Tumango siya at kumuha ng tubig. Pinagmasdan ko lang siyang kumilos hanggang sa pabalik na siya sakin at inabot ang baso ng tubig.

Uminom ako doon. Pagkatapos nilapag ko sa lamesa at tinignan siya ulit.

"San kwarto ko?"

Hinatak niya ang isang upuan at umupo doon.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon