Kate's Pov
Tinirintas ni Key ang buhok ko sa dalawa habang nakatingin ako sa salamin.
"Thanks!"
Tumayo ako at tinignan muli ang ayos ko bago balingan sila Cata na naguusap usap para mamaya.
"Danger ang kalaban natin. And we all know na simula ng malamangan natin sila marumi na sila maglaro. This is our last fight for fourth round at makakatungtong na tayo sa fifth kung matatalo natin sila." dinig kong sabi ni Margaux.
"I'll play dirty once they do it again," sabi ni Hailey.
Pinagusapan ang mangyayari mamaya. Mas marami ang Danger saamin. Sampu sila samantalang walo lang kami pero sa liksi ni Athena at Tricia ay naniniwala akong kaya namin. Besides, this isn't our first time to beat them.
Kaya nang matapos ang paguusap ay tumungo na kami sa building. May mga nakakasabay kami at ang iba ay nakikipagusap pa saamin.
Humiwalay kami ng daan at sumalubong saamin ang mga staff na nasa loob.
"The challenge will start in a few minutes." sabi samin ng isang lalaki na tinanguan lang namin.
I can hear the crowd. I can hear their cheers.
"Sinong maglalagay ng pangpatulog?" tanong ni Hailey.
"Me," sabi ni Tricia at nagtaas pa ng kamay.
"Run as fast as you can, Tricia. 'Wag mong hayaang pantay ang takbo niyo." paalala ni Cassie sakaniya.
Tinawag kami at nakita namin ang Danger na tinitignan kami.
'Yang kagwapuhan nila mawawala sa oras na maglaro sila ng madumi mamaya.
"Tricia and Mhel," tawag ng babae at agad nagstep forward si Tricia. "Here's the bottle." inabot agad iyon ni Tricia. "On three," bilang ng babae.
Tinignan kami ni Tricia kaya agad namin siyang tinanguan. I know she can do it.
"Three!" sigaw ng babae at agad tumakbo si Tricia.
Tinaasan ko ng kilay ang mga miyembro ng Danger. Nakita kong ngumisi ang leader nila kay Margaux na agad din namang ginantihan ni Margaux ng ngisi.
Hinintay naming makabalik si Tricia. Hasa naman na sila dito pero minsan kasi ay natatalo pa din kami. Lalo na at Danger ang kalaban ngayon.
"Woo!" napatingin kami sa mga lalaki ng humiyaw sila.
Nakita ko si Mhel na nakangisi. Nakadating agad siya? That fast?
"Where's Tricia?" tanong niya at luminga pa. "Ay, naiwan nga pala. Ang bagal e," tumawa siya at nagapir pa sila ng mga kamiyembro niya.
Ngumiti ako at nagcross arms.
"Dun lang ba nasusukat yung lakas? Yung bilis lang ng pagtakbo ang nasusukat doon. 'Wag kang pakampante masiyado," sabi ko.
Dumating si Tricia kaya agad kaming tumungo sa pwesto namin.
"Athena, dahil maliksi ka, guguluhin mo si Mykel at Julian. Papaikutin mo sila tapos Cata..." tinignan ni Margaux si Cata. "Do your move." sabi niya.
"Let's go!" hiyaw ko.
"The last fight, who will be the one to ascend?" masiglang tanong ng announcer. "Let's give a bloody welcome to, Bitches!"
Lumabas kami at nakita namin ang dami ng crowd. Dumadami talaga sila kada ascending round.
Namataan ko din ang Solid Princes. Of course, hindi sila mawawala. Malamig ang tingin na ibinibigay ni Genre saamin. Para bang hindi niya kami kilala, lalo na si Margaux.