Key's Pov
Pagkahinto ni Cata ay agad kaming tumakbo palabas. Yumuko ako at tinignan ang entrance.
Phoenix.
Naguusap usap ang iba sakanila habang nakabantay. Ang iba ay alerto at nakita kong nagpapalinga linga pa ang iba.
"Shoot! How can we get in there?" nam-mroblemang tanong ni Kate.
Tinignan ko ng maigi ang maaaring daan pero mukhang nandito ang lahat ng SP dahil sobrang dami nila.
May lumabas na isa galing sa loob. Halatang natataranta at hinihingal pa siya.
"We have a problem," rinig kong sabi niya kaya agad naalerto ang mga kasamahan niya. "Heiress has been kidnapped by the leader of Sicilian. Meron pa pala siyang ibang tauhan pero hindi gaanong kadami. He threatened the other Heirs kaya wala silang magawa para maligtas si Heiress. Pinapatawag nila tayong lahat."
I gasped. Even the others.
Paanong maki-kidnap si Heiress kung may bodyguard naman sila?
"Dante, tawagan mo pa ang iba. Kailangan marami tayo. Paluwasin mo yung mga nasa probinsya kung kinakailangan. May maiwan sainyo dito." inassign niya ang mga maiiwan.
Pagkatapos niyang magsalita ay dumating na ang maraming mga van. Nasa sampu ata ang van na 'yun o higit pa.
"Cata, Hailey, sa gilid kayo." sabi ni Margaux. "Key, you'll be going with us. Sa entrance tayo dadaan." dugtong niya na nagpalunok sakin.
Entrance? Nakikita niya ba yung mga nakabantay?
Nagkagulo ang Phoenix at sumakay agad sila sa van. Halos maubos sila pero may mga natira na nasa kinse. Tapos nagpaluwas pa sila at nagtawag? Ibig sabihin marami talaga sila.
Nagusap usap ang mga natira at may ibang pumasok. Nagulat ako nang may tumabon sa mukha ko na kulay puti.
"Isuot mo 'yan." sabi ni Kate kaya hinatak ko ang nakatabon sakin.
Doctor gown iyon. May mask pa kaya tumayo ako at sinuot iyon.
Si Margaux naman ay nagsuot ng salamin at si Kate ay humawak ng ng clip board habang nakasuot din ng gown at ng mask.
"Naks! Doctor Kate talaga!" pangaasar ni Hailey at tumawa.
"What are you still doing here?" nakataas ang kilay ni Kate ng tanungin niya ang dalawa.
"Eto na!" sabi ng dalawa at tumakbo.
Umayos naman ako at huminga ng malalim.
Naglakad na kami papunta sa entrance at umakto ng normal. Ako at si Margaux ay kunwaring naguusap tungkol sa pasyente at si Kate naman ay tinitignan ang nakalagay sa clipboard niya.
Tinitigan kaming tatlo ng Phoenix. Mukhang nagtataka sila pero pinakita ni Margaux ang nakasulat na pangalan at tumango ang Phoenix bago kami papasukin.
Nakahinga ako ng malalim. Umakyat agad kami sa kwarto kung nasaan ang tatlo. Nasa iisang private room lang sila pero malaki kaya kasya silang tatlo. I heard dalawang malaking private room ang nakatakda sa SP pero may tigiisa pa sila kung gusto nilang mapagisa.
Bago kami makapasok ay hinarang kami ng dalawang nagbabantay na miyembro ng Phoenix.
"I'm the Doctor of Mr. Rullin," sabi ko.
"For Mr. Alonzo." sabi naman ni Kate.
"And for Mr. Mangalino." sabi ni Margaux na ang tinutukoy ay si Beejay.
Tumango ang dalawa at tumabi kaya kumatok na kami at pumasok.
Nakita namin ang SP na may kausap na apat na miyembro ng Phoenix. Nakita ko agad si Jeremiah na nakaupo sa kama niya at si Wade na mahimbing pa din ang tulog. Si Beejay naman ay nakaupo din.