Catastrophe's Pov
"Ate Cata..."
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang isang babae na hanggang balikat lamang ang buhok. Hindi ko maiwasang tignan ang mata niyang maamo.
"Ate Cata, nandito ako..." sabi niya at nginitian ako.
Bakit ganun? Hindi ko magawang ngumiti sakaniya pabalik. Ang bigat ng kalooban ko. Parang hindi ako masaya.
"S-Shaz..." nanginginig kong tawag sakaniya.
Nakangiti pa din siyang lumapit sakin.
"Kamusta, ate?" tanong niya.
Hindi ako makapagsalita. Dumadagundong ang kaba ko sa dibdib.
"May problema ba, ate Cata?" tanong niya at nawala ang ngiti sa labi niya.
"Bakit... bakit nandito ka?" hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
Kamukhang kamukha niya si Bryce. Parang sinasaksak ang puso ko kada tinitignan ko siya.
Ako... ako ang may kasalanan kaya siya namatay. Ako ang dapat sisihin.
"Ate, hindi mo kasalanan. Ginawa mo lang ang tama." sabi niya at doon ko naramdaman ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
"Shaz... asan ang Kuya mo?" tanong ko sakaniya.
Tinignan niya ako. Hindi siya nagsalita.
"Please..." halos magmakaawa na ako.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang luha.
I missed this girl!
Hinawakan ko ang kamay niya pero ang pisngi ko lang ang nahawakan ko. Bakit ganun?!
"Magiingat kayo, ate." huling sinabi niya bago unti unting lumayo saakin.
Nagising ako ng maaga. Dalawang oras pa bago ang klase ko pero minabuti kong maghanda na agad.
Naligo ako at nagbihis na. Pagkatapos kong maghanda ay ginising ko ang dalawa dahil mukhang mal-late pa ata.
"Hindi ka kakain? May pagkain pa diyan sa ref." sabi ni Key.
Umiling ako. "Sa cafeteria na lang ako kakain." paalam ko at pinasadahan ng tingin si Hailey na nakatulala.
Nagtaka ako pero ipinagkibit balikat ko na lang iyon.
Dumaan muna ako sa locker ko at kinuha ang librong gagamitin ko bago tumungo sa cafeteria. Nagorder ako pagtapos ay naghanap ng map-pwestuhan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may naramdaman akong nakatingin saakin. Hindi ko iyon pinansin imbes ay tinuon ko ang buong atensyon ko sa librong binabasa ko.
Mamaya ka sakin.
Sa buong pagbabasa ko ay ramdam kong may nakamasid. Kaya nang matapos ako ay niligpit ko ang gamit ko at tumayo.
Namataan ko agad ang babaeng medyo buhaghag ang buhok. Mapula ito pati ang kaniyang labi.
Tinaasan ko siya ng kilay kaya agad siyang napaiwas ng tingin.
Anong kailangan nitong babae na 'to?
Tumungo ako sa shuttle para sumakay at makapasok. Hindi ko inisip kung sino iyong babae na 'yun. Mamaya siya sakin.
Buong klase ay nasa Professor lang ang atensyon ko. Kaya ng mag lunch ay tumungo agad ako sa cafeteria at nakita ko agad ang grupo sa pwesto namin. Tinignan ko ang pwesto ng babae kanina pero wala na siya.