Chapter 21

2K 63 6
                                    

Margaux's Pov

"Hindi nyo manlang ba kami iw-welcome?" tanong ni Wade sa tatlong grupo pa na nasa harapan namin habang nakangisi.

Gulat pa din sila. Well, I can say, gulat pa din kaming lahat.

Titig na titig ako sa SP na nasa gilid namin. Kung titignan mo sila ay parang walang natamaan ng bala sakanila lalo na 'tong si Wade. Ngingisi-ngisi pa at ang angas pa ng dating na akala mo hindi nagising ng ilang araw.

Masakit na sa tenga ang sigaw at tilian ng crowd. May ibang nagsisigaw na gulat din sila sa pagbalik ng SP at may iba naman na tili ng tili dahil nagbalik na sila.

"Hindi pa ba natin uumpisahan 'to? My knuckles is already finding a face to land on," sabi ni Justine sa announcer.

Mukhang nabigla ang announcer kaya agad siyang nagsalita. Lahat pa din talaga kami gulat sa nangyayari.

"Let's start this bloody fight!" sigaw nito kaya napaayos ako ng tayo.

At bago kami magumpisa, lumingon muna si JV kila Genre.

"Welcome back, Uno," sabi nito kaya napalingon sakaniya si Genre.

"Thanks, Flame." sabi ni Genre at tumango pa.

Sinulyapan niya ako at kinindatan bago humarap. Nakagat ko na lang ang labi ko bago umayos at maghintay ng sign na go na.

Nagkagulo agad sa battle ring ng magumpisa na. Ngising ngisi ang SP sa mga binibigay nilang suntok at hindi mo talaga aakalain na may nangyari sakanila dahil sa galaw nila ngayon.

Napamura ako ng isang malakas na pagsiko sa pisngi ko ang natamo ko galing sa miyembro ng GG.

Ngumisi ito at pinatunog pa ang leeg niya bago tumakbo patungo sakin. Akmang susuntukin niya ako sa mukha pero may humarang sa kamao niya at nakita ko na ang likod ng lalaking nakaitim na tshirt.

"Not so fast," malamig na sabi ni Genre at sinuntok ito sa tyan.

Nakita ko kung paano sila magpalitan ng suntok pero naiilagan naman nila pareho. Nagpapaikot ikot na din sila dahil sa bilis ng galaw nila.

Hinintay kong mapunta ang likod ng kalaban saakin bago ko siya sikuhin ng malakas sa leeg niya kaya napaluhod siya at agad tumayo sa harap niya si Genre at sinuntok ng malakas at knock out agad ito.

"Good job, baby," sabi niya kaya napangisi ako at inilingan ko na lang siya.

Tumabi ako kay Cata at tinulungan siya sa pakikipagpalitan ng mga suntok at tadyak sa mga kalaban. All I can hear on the crowd's chant is the SP's name.

Habol hininga kong ginawa ang mabilis na suntok dahil kada susuntok ako, naiilagan o kaya ay nahahawakan ng kalaban ang kamay ko.

Yumuko ako at umikot kaya napunta ang kamay niya sa likod niya. Ramdam kong iikot na siya kaya pinilipit ko ang kamay niya at napatingin siya sakin kaya diretso suntok ang ginawa ko sa mukha niya at napaatras siya patungo kay JV.

"Ikaw na bahala diyan." sabi ko at tinignan ang kamao ko na namula.

Grabeng mga mukha 'yan.

It lasted for how many minutes but what do you expect? Panalo pa din kami.

Umikot si Wade at isang malakas na sipa sa dibdib ang iginawad niya sa miyembro ng Pelicans at tulog na ito.

"It's 2-0 for this side!" sigaw ng announcer at itinuro kami.

Ngiting ngiti kaming tatlong grupo. Nagbow ang SP at nagtilian ang lahat ng mga babae.

"Solid Princes!! We missed you!!"

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon