Chapter 12

2.3K 65 6
                                    

Hailey's Pov

Nanlalambot ang tuhod ko ng naglakad kami patungo sa isang kwarto.

Ramdam ko ang lamig kaya hinagod ko ang magkabilang braso ko.

"Wear this," inalok sakin ni Beejay ang jacket. "Sakaniya 'yan."

Tinanggap ko iyon at sinuot. Pakiramdam ko kasama ko siya dahil sa amoy ng jacket niya.

"You ready?" tanong ni Cata sakin.

Huminga ako ng malalim. Tila may nagtatambol sa dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman.

Tumango ako at pinihit ni Beejay ang doorknob.

Nakagat ko ang labi ko at pinigilan ang luha na tutulo dapat.

Katahimikan ang naghari saaming lahat. Naglakad ako patungo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

Pumutla ang kulay niya at mahimbing siyang natutulog. May tubo din na nakakabit sakaniya.

"Saan siya natamaan?" nanginginig ang labi ko ng tanungin ko sila.

Kumpleto ang SP. Alas tres na ng madaling araw at pumuslit lang kami dito dahil SP ang magbabantay. Samantalang ang kambal naman ay ang wala saamin.

"Malapit sa puso," sagot ni Jeremiah sakin.

Tumulo ang luha ko. Hindi ko na mapigilan.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at tinitigan siya.

It hurts seeing him lying there.

"Hailey, labas muna kami." paalam ni Justine at narinig ko ang mga yapak nila palabas.

Pumikit ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Iniisip na nandito siya dahil pakiramdam ko ay yakap niya ako.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakaniya. Hindi ko nakita. Pero siguro kung alam naming pumunta si Key ay masasaksihan ko. At baka mabuwis ko pa ang buhay ko para lang sakaniya.

I love him. I love him so damn much na kahit ilang buwan pa lang kami magkakilala ay nabihag agad ako sakaniya.

Wala pang taon na kilala namin sila pero sobrang lapit na namin sa isa't isa. Ang dali niya akong nabihag. Ang dali pero ang hirap tanggapin na ganito ang kalagayan niya ngayon.

Yung taong pinapasaya ako. Pinapangiti. Handang ibuwis ang buhay maging kami lang ay ito ngayon. Nasa harap ko. Nagaagaw buhay.

Ganun ba talaga? Ganun ba talaga kadaling magbago ang lahat?

"Sabi mo magiingat ka? Sabi mo babalik ka sainyo ng walang galos? Sabi mo magiging maayos ka? E bakit ngayon nandiyan ka!?"

Nakakainis!

"Sinungaling ka talaga! Akala ko tototohanin mo yung mga 'yun pero hindi! Nakakainis ka! Nakakabwisit! Hindi ka marunong tumupad sa usapan!"

Tinignan ko ang mukha niya pero naawa ako bigla. Nawala ang inis na nararamdaman ko.

"Nahuli ba sila? Kung hindi, babarilin ko sila sa mismong puso nila para hindi nila maranasan na mag agaw buhay kundi para diretso libing na agad!" natawa ako ng bahagya sa sinabi ko.

Natawa. Pero deep inside, ang sakit sakit na. Minsan iyon na lang talaga ang magagawa mo. Ang tumawa kahit masakit na.

"Wade, gumising kana. Magc-college week na oh? This coming Monday na ang start. Kailangan mo pang makita ang mga dinesign kong gowns! Isusuot ni Margaux ang mga 'yun! Gising!" pilit ko. "Ay, hindi pala kita pipilitin. I'm sure gigising ka naman na this week. Ano kaba? Alam ko kaya kung kelan ka magigising!"

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon