Chapter 4

3.1K 91 9
                                    

Kate's Pov

Justine:

Goodmorning! Miss na kita. Kain kana agad. I love you! :*

Justine:

Where are you, by?

Justine:

Please reply once you read this.

Iyon ang mga text na bumungad saakin nang maalimpungatan ako. Pero ang mas nakapukaw ng tingin ko ay ang isang text na matagal ng hindi lumilitaw sa inbox ko.

JB:

Hey.

Hindi ko alam kung magrereply ako doon. Bago pa ako makapag-desisyon ay may tumawag na saakin.

"Goodmorning! Kakagising mo lang?" masiglang tanong ni Justine sa kabilang linya.

"Naalimpungatan lang..." hindi ko alam kung anong naging boses ko doon. Kung inaantok pa ba o ano.

"Halata nga," narinig ko ang halakhak niya. "Get yourself ready."

"What? Why?" parang nawala ang antok ko ng marinig iyon.

"Let's have a date,"

Napaupo ako sa sinabi niya. Biglang umangat lahat ng dugo ko sa mukha ko at pakiramdam ko ay sasabog na ako sa kilig.

"Wala kang pasok, I know. Same schedule tayo, right?"

Hindi ako makapagsalita. Hindi pa nagsi-sink in sakin!

"Hey, by! 'Wag ka munang kiligin," narinig kong muli ang tawa niya.

"Are y-you serious?" shit! Ayaw ko sanang mautal pero...

"Yes po, by. So get ready and I'll pick you up at 8. Wear something comforfable,"

"What if--?"

He cut me off. "No what ifs. Just think about you and me, okay? You still have an hour, by. Can't wait to see you!"

Tumango na lang ako kahit niya iyon nakita.

Naligo na ako. Pinili kong mag ripped jeans, lace bustier na white at faded denim na jacket. Nag slip-on na lang din ako na sapatos.

Para makasigurado ay nagdala na din ako ng ilang pares ng damit. Kahit swimsuit ay nagdala na din ako. Nagapply ng make up at saktong pagkabango ko ay may kumatok.

"May naghahanap sayo, Kate," sabi ni Manang sakin ng buksan ko ang pinto.

"Sige po. Pakisabi po ay saglit lang,"

Pumasok agad ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko na naglalaman ng lahat ng kailangan at bumaba na.

Tahimik ang bahay. Ako lang kasi pati ang mga kasambahay ang nandito dahil may pasok silang lahat. Si Grandma naman ay nasa boutique.

"Pababa na din iyon..." rinig kong sabi ni Manang.

Nakita ko agad si Justine na nakatayo, kausap si Manang. Naka white v-neck shirt siya at khaki shorts. Namataan niya agad ang pagbaba ko.

"Ayan na po siya. Salamat po," sabi niya kay Manang.

Tinignan din ako ni Manang. Nakita kong ngumiti siya kaya ngumiti din ako pabalik.

"Manang, pakisabi na lang po sakanila na umalis ako. Itetext ko din po sila,"

Tumango si Manang. "Masaya ako para sayo, Kate,"

Lalong lumawak ang ngiti ko at niyakap si Manang.

"Salamat po..."

"Osya, magingat kayo," sabi ni Manang ng kumalas na ako sa yakap.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon