Chapter 13

2.3K 70 4
                                    

Catastrophe's Pov

"Ate Cata, I'm sorry..."

"Umalis ka sa harap ko! Ayokong makita ka! Ayokong makita yung mukha ng babaeng napakaselfish! Umalis ka!"

"I-I... I... Love you... Ate C-Cata..."

"Shaznielle!!!!"

"Shaz!!!" napaupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko.

Ramdam kong gusto kong maiyak pero walang luhang lumalabas mula sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay ubos na.

"Cata! Ayos ka lang?" nagaalalang tanong sakin ni Hailey at lumapit sila ni Key sa kama ko.

Nakaidlip ako. May battle kami ngayon at sa kakahintay ko sa kambal ay nakaidlip na pala ako.

"A-ayos lang..." habol hininga kong sabi.

Inabot sakin ni Key ang baso ng tubig na agad kong ininom. Sabay sabay kaming napalingon sa pinto at nakita ang kambal na pumasok.

"Ano nangyayari?" nagaalala nilang tanong at agad dumalo saamin.

"Nanaginip si Cata. Biglang sumigaw ng Shaz e." sabi ni Key.

"Anong napanaginipan mo?" tanong sakin ni Margaux.

Umiling ako at tumungo na lang sa banyo. Ayoko nang ikwento.

Naghilamos ako at tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung bakit lagi kong napapanaginipan si Shaz. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang siyang lumilitaw sa panaginip ko.

Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating.

Lumabas ako at nakita kong nagaalala pa din sila saakin.

"Tara na. Malate pa tayo." sabi ko sakanila at tumalikod na para lumabas.

Tahimik kami nang tinahak namin ang daan patungo sa abandonang building. Pagkadating namin sa loob ay nandun na ang tatlo kasama ang BM.

Fifth round.

Bago kami magproceed dito sa Fifth round ay nagkaron ng bunutan. Hindi ko alam kung sinusuwerte o minamalas kami pero ang dalawang kakampi namin ay ang BM at SP.

Anim na lang kaming naiwan para sa fifth round. At ang makakalaban namin ay ang Demons, Pelicans at GG.

"There you are!" sabi ni JB at pumalakpak ng isang beses nang mamataan kami.

"Kayo na lang ang hinihintay,"

Napakunot ang noo ko.

"Paanong kami na lang? SP pa diba?" nagtatakang tanong ni Athena.

Nagtinginan ang BM. Parang nagaalangan pa silang sabihin ang gusto nilang sabihin.

"Hindi sila lalaban ngayon. Halos lahat ng miyembro nila nakaconfine." sagot ni Nicholo.

Walang umimik pagkatapos iyon sabihin ni Nicholo.

Nakaconfine pa din si Wade. Hindi pa siya nagigising. Si Jeremiah naman ay kinailangang iconfine ulit dahil hindi pa pala siya fully recovered noong pumunta kami sa ospital. Gusto niya lang talagang makita si Key.

Si Beejay naman ay kailangan pang magpahinga dahil sa binti siya noon natamaan. Sadyang matitigas lang ang ulo nila at umaktong ayos na sila nung pumunta kami.

"Tapos ang kalaban natin kumpleto?" nakataas ang kilay ni Kate nang tanungin niya iyon.

Tumango ang BM. Hindi na kami nakapagusap ulit dahil tinawag kami kaya lumabas kami. Tela lang naman na itim ang naghihiwalay saamin at ang magkabilang gilid ay konektado sa battle arena.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon