Chapter 41

2K 53 12
                                    

Margaux's Pov 

Buong byahe tahimik lang kami pabalik ng bahay. Si Kuya ang nagd-drive at walang nakaupo sa tabi niya dahil kaming apat nandito sa likuran.

Nung nasa bahay na kami ay binuksan ko agad ang pinto. Sabay kaming naglakad ni Kate papasok at sumunod naman samin sila Kuya, tahimik pa din.

Hindi ko alam kung galit ba sila o ano. Sila lang ba ang may karapatan magalit ngayon? Di bale sana kung hindi nila alam na sila Genre ay sila Bryce hindi sana kami magagalit ng ganito.

Pagpasok sa bahay nakita ko agad si Mommy. Umiinom siya ng tubig kaya nagmano lang kami at aakyat na sana nung nagsalita siya.

"Why are you all so quiet? What's wrong?" 

Hindi ko alam kung sinong iimik samin. Ngumiti bigla si Ced kay Mommy at inakbayan ito.

"Porket tahimik lang, My, may problema na? Pagod lang po kami," sabi nito at tumawa.

"Kilala ko kayo. Alam ko kung-"

"Pagod lang sila Kuya, Mom. Don't overthink." si Chivas.

Hinawakan ni Kate ang kamay ko kaya umakyat na kami sa kwarto. Humiga agad ako at niyakap ang unan ko. Paulit ulit na nagreplay sa utak ko ang nangyari.

Pinilit kong ipikit ang mata ko. 

It's okay. It's alright. Ganun talaga, Margaux.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako at nakitang tulog na si Kate sa kama niya. Tinignan ko ang oras at 11:30 na pala ng gabi. Hindi manlang ako nakapag-dinner.

Ramdam ko ang pagkagutom ko kaya naghalf bath muna ako. Nang matapos ako sa pagbibihis at pagligo ay bumaba na ako patungo sa kusina para kumain. Mabuti na lang at meron pa.

Nang matapos ako hinugasan ko ang mga pinagkainan ko. Aakyat na sana ako ulit sa kwarto ko nung may mamataan akong gumagalaw sa mini bar.

Dahan dahan akong lumapit at nakitang si Kuya iyon. Sinasalinan niya ang baso niya ng alak at akmang iinumin pero nahagip ako ng paningin niya. Aalis na sana ako pero tinawag niya ako.

"Margaux,"

Nakagat ko ang labi ko. Ayokong humarap. Hindi ko mawari kung galit ba siya o ano dahil walang emosyon ang boses niya. Parang wala siyang gana.

"Bakit niyo ginawa 'yun?"

Pakiramdam ko unti unting nawawasak ang puso ko sa naririnig ko kay Kuya. Kapag tumagal ang paguusap namin, alam kong makikita niya nanaman akong umiiyak. Ayoko ng umiyak. I've already cried enough.

Hinarap ko siya. Nilabanan ko ang nararamdamang bigat sa puso lalo na ng makita kong nakakunot ang noo niya.

"Bakit mo ginawa 'yun?" balik tanong ko sakaniya. "Kuya, alam kong malalaman niyo din na sumali kami dito. Alam kong dadating yung araw na 'to pero hindi ko naman inexpect na sa araw din na 'yun, may malalaman ako. May mas wawasak pa sakin. Samin. Kuya alam mo ba pakiramdam ng maloko? Hindi, diba? Kasi sa una pa lang pala ikaw alam mo na. Alam niyo na. Wala na kaming lihim na maitatago. Pero Kuya paano kami? Sana inisip mo na paano kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Genre at nakita kami hahayaan mo lang ba? Makikipag-ayos ka ba ng walang paghihiganting magaganap? Sa panaginip 'yun pwede mangyari Kuya."

"Nagtiwala ako sakanila, Margaux. Kahit sainyo nagtiwala ako. And maybe that was the worst mistake that I ever did. I trusted them. Hindi ko naisip na maaaring sila nanaman ang maging dahilan kung bakit kayo mapahamak. Margaux, hindi mo ba alam na maraming nakabantay sainyo? Bawat kilos ninyo nandiyan ang Phoenix. Nandiyan si Shane. Shane knows everything, right? Nako-control niya lang ang ibang Phoenix member na 'wag sabihin sa Heirs ang nakikita din nila dahil may sarili siyang plano. At alam kong it's way worse than the Heirs plan.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon