Chapter 29

2.1K 51 6
                                    

Kate's Pov

Sunod sunod ang pagpasok namin sa kanya kanya naming sasakyan. Pero bago pa ako makapasok sa sasakyan ko ay may humila sa kamay ko.

"You're riding with me," sabi ni Justine at may tinanguan.

Tinignan ko kung sino ang tinanguan niya and my eyes widened.

"What... what are you doing here?" tanong ko sakaniya.

"Obviously. Protecting our Highnesses." sagot niya at nilahad ang kamay niya. "Keys. Pakibilisan kung ayaw mong pare parehas tayong mahuli."

Sa pagmamadali ay binigay ko agad sakaniya ang susi at tinulak niya na ako patungo kay Justine. Pinasakay niya agad ako sasakyan niya at agad pinaharurot ito.

"Anong ginagawa ni Ralph doon? Buti pwede siya? Bakit sila nandun?" sunod sunod kong tanong sakaniya.

"Kasabwat siya,"

"Paano?" I don't get it! Anong kasabwat? Paanong naging kasabwat sila Ralph?

"We talked to them. Inutusan sila ni Genre na tulungan kami. They agreed. That's it,"

Napasimangot ako sa paraan ng pagkwento niya pero hinayaan ko na lang.

Pagkarating namin sa SU ay sunod sunod ang paglabas ng lahat. Lakad-takbo ang ginagawa namin pero nilampasan kami ni Kenji at tumakbo patungo sa loob habang karga si Cata.

I felt a sting in my heart. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para mawala ang sakit na nararamdaman ni Cata. Para maging maayos siya. Wala akong maisip na paraan kasi alam kong balewala ang lahat ng iyon. What happened in the past will forever remain in her.

Tahimik ang University. Walang naglilibot na mga studyante dahil anong oras na. Tapos na ang paglibot ng mga sekyu kaya malaya kaming naglalakad.

Pagpasok namin sa territory ng SP ay dumiretso kami sa loob ng bahay nila. I squeezed Justine's hand kaya napalingon siya saakin.

"Aakyat muna ako kung nasan si Cata,"

Tumango siya. Wala akong nakitang pagod sa expression niya at hinalikan niya ang noo ko.

Nakita ko agad sila Chris, ang BM, at SP pwera kay Genre at Kenji. Lahat sila nasa sala at nakaupo. Ang iba ay nakatayo. May ibang malalalim ang ekspresyon at halatang may mga iniisip.

I just gave Ralph a small smile before walking towards the stairs. Umakyat agad ako at hinanap ang kwarto kung nasan si Cata. Hindi mahirap hanapin dahil naririnig ko ang boses nila kaya sinundan ko iyon.

Pagpasok ko ay ang una kong nakita ay si Kenji na nakahawak sa kamay ni Cata habang tinitignan ito. Naguusap si Hailey at Key sa isang gilid at ang tatlo ay pinaiwan namin doon sa Underground kasama sila Steeven para hindi magtaka ang Heirs.

"Where's Margaux?" tanong ko pagkalapit ko kila Key.

"Hindi pa pumapasok. Wala ba sa labas?"

Umiling ako. Wala din si Genre dito. Paniguradong magkasama ang dalawa. Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at nakita ko si Dave doon, kaibigan ni Chris.

"Tres, nasa baba na si Genre. Ikaw na lang kulang," sabi nito.

"I won't leave Cata. Sabihin na lang nila sakin mamaya ang pinagusapan," hindi manlang niya nilingon si Dave habang sinasabi iyon. Punong puno ng pagaalala ang nakikita ko sa mata niya habang nakatingin kay Cata.

Tinignan ko si Dave. Mukhang may sasabihin pa siya pero sumenyas ako na umalis na. He sighed before closing the door.

Nandoon na si Genre. Pero wala pa din si Margaux. May nararamdaman akong kakaiba kaya lumabas ako at hinanap ang kakambal ko.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon