Hailey's Pov
"No, please, no... This is not true. No!!"
Napamulat ako ng mata at agad inilipat ang tingin ko kay Cata. Umiiyak siya habang natutulog kaya tumayo agad ako at tumakbo patungo sakaniya.
"Cata, wake up! Cata!" niyugyog ko siya para magising.
"No! I said no!" sigaw niya at patuloy na tumutulo ang luha niya.
"Oh my God! What's happening?" bakas pa ang pagkaantok sa boses ni Key pero lumapit din siya saamin.
"Cata!" sigaw ko.
"Catastrophe, wake up!" sigaw ni Key.
Patuloy ang pagyugyog na ginawa ko sakaniya hanggang sa biglaan niyang iminulat ang mga mata niya. Para siyang hinabol dahil ang bilis ng paghinga niya. Pawis na pawis din siya at may mga luha pa ding tumutulo sa pisngi niya.
"No... Oh my God..." mahina niyang sabi at dahan dahang umupo kaya inalalayan namin siya.
Kumuha agad ako ng tubig at binigay iyon sakaniya. Pinunasan din ni Key ang pawis niya at nilakasan ang aircon at itinutok sa pwesto namin.
"Anong napanaginipan mo? You're screaming," nagaalalang tanong ko.
Uminom muna siya ng tubig. Halata ang takot sa mukha niya. Para bang napakasamang panaginip ang nangyari.
"I don't know. Everything's a blur. All I know is nandoon si Shaz. Nandoon tayo. Then the others were blurred," bakas pa din ang takot sa boses niya.
"Then why did you screamed it's not true? Ano iyon?"
Tinignan niya kami, "It was really a fucking nightmare. Kaya ko nasabi iyon dahil may bumulagta sa harapan ko na duguang katawan. Hindi ko alam kung kanino dahil malabo,"
Kinabahan ako dahil sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.
Bakit siya nakakapanaginip ng ganun? I know lately Shaznielle always appears in her dreams but this one isn't normal.
Pero ayokong magisip. Ayokong dagdagan ang kaba na nararamdaman ni Cata at ayokong palakihin ito kaya minabuti kong 'wag na lanh iyon isipin. Ganun naman talaga ang bangungot diba? Pero it's just a nightmare. Hanggang doon lang.
"Wala lang 'yun, Cata. 'Wag kang magisip ng kung ano ano. Panaginip lang 'yun," sabi ni Key habang pinupunasan pa din ang mga natirang pawis kay Cata.
"Hindi e. Laging nagpapakita si Shaznielle saakin. Hindi ko alam kung anong gusto niya. Ano bang dapat kong gawin? Kailangan ko na ata talagang bisitahin ang puntod niya."
"Kaya mo na ba?" tanong ko dahil naalala ko noon na sinabi niyang bibisitahin niya lang ang puntod ni Shaz kapag okay na siya. Kapag hindi niya na sinisisi ang sarili niya.
"Not yet pero kakayanin ko. Kung iyon naman ang paraan para matigil na ang mga bangungot na nararanasan ko," sagot niya.
Tinitigan ko siya ng maigi at eto nanaman ako. Nakakaramdaman nanaman ako ng awa sakaniya dahil sinisisi niya pa din ang sarili niya. Hindi ko alam kung kailan siya titigil sa paninisi sa sarili niya pero mukhang malabo ng mangyari 'yun.
Since that day, hindi na nabalik sa dati sa Cata. Oo, bitch pa din siya. Matapang. Tumatawa. Nakikisalamuha. Pero hindi na siya yung dating Catastrophe na kasama namin. Hindi na siya yung Catastrophe na una kong nakilala dahil ngayon, halata mo sakaniyang sa loob loob niya, meron siyang hinanakit para sa sarili niya.
Hinintay namin siyang makatulog bago din kami bumalik sa pagtulog. Pero bago ko ipinikit ang mga mata ko ay tinitigan ko ang picture namin na magkakasama. Na buo pa.