Chapter 40

1.9K 48 4
                                    

Key's Pov 

Ang tahimik ng byahe namin. Sa sobrang galit ni Kuya Gian pinasakay niya kami sa sasakyan nila Margaux at pinagmaneho. Pinasunod niya lang kami sakaniya at hindi namin alam kung saan kami pupunta.

"Subukan niyong contact-in si Cata. Tawagan niyo ng tawagan hanggang sa sumagot," utos ni Kate.

Ayun nga ang ginawa namin. Ilang minuto ang lumipas hindi niya sinasagot. 

Last call. Sabi ko sa isip ko.

Ilang ring ang nangyari hindi niya sinagot. Pero nung ie-end ko na sana narinig ko ang boses niya.

[Hello?]

"Catastrophe, thank goodness!" sabi ko at nakita kong napatingin silang lahat sakin. "Where the heck are you at kailan mo balak bumalik dito?"

[I don't know,]

Nagulat ako nung hinablot ni Kate ang cellphone ko mula sa tenga ko. 

"Cata stop being selfish for pete's sake! If you're gonna tell me that you're just thinking of us then cut that shit because you need to go back here and face your brother because he's so mad!" sigaw ni Kate.

Hindi ko alam kung anong pinagusapan nila. Basta ilang saglit lang binigay na ulit sakin ni Kate ang cellphone ko at nakita ko ang magkasalubong niyang kilay.

"She told me she'll think about it. Ewan ko sakaniya! Bahala siya!"

Kinagat ko ang gilid ng index finger ko at tumingin na lang sa bintana.

Bahala na po kung anong mangyari.

Tumigil kami sa isang bahay. Alam ko kung saang bahay 'to. Bahay 'to nila Cata. Kagat labi kaming pumasok at napatigil ako sa nakita ko. Pero mas ang nakapagpatigil saamin ay yung narinig namin.

"Paano mo sasabihin sakaniyang alam mo, ha? Matagal na kitang sinasabihan Kuya pero hindi ka nakinig! Hinayaan mong tumagal pa ang pagsali ni Hailey sa lintek na gang na 'yan! Hinayaan mong ibuwis niya ulit yung buhay niya!" si Kuya Lance, kuya ni Hailey, ang sumigaw.

I was taken aback. No, we were taken aback. 

Alam nila.

Napatingin ako kila Margaux. Nakita kong nanatili ang tingin nila kila Kuya Lance. And to be exact, nandun lahat ng kapatid nila. Si Kuya Clark, Kuya Jacob, Kuya Lance, Chivas at Ced. Isama mo na si Kuya Gian.

Napalingon sila samin. Napalunok ako nung nakita ang mga reaksyon nila. Halu-halo. May galit. May pagaalala.

"Ate," tawag ni Ced at nilapitan sila Kate.

Napayuko ako. 

Paano? Paano nila nalaman?

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko nung nakita kong mabilis na naglakad si Kuya Clark papunta kay Margaux at hinawakan ito sa magkabilang braso. Alam kong mahigpit 'yun pero wala akong nakitang sakit sa mukha ni Margaux.

"Kuya," tawag ni Kate kay Kuya Clark.

"Ito ba? Ito ba ang binalikan mo dito ha, Margaux? Mary Kate? Ito ba? Ito ba yung gusto niyong buhay?!" sigaw niya at namuo ang takot sa dibdib ko. "Alam niyo ba kung gaano kami nagaalala araw araw kada naiisip naming kasali pala kayo dito? Alam niyo ba yung nararanasan namin kada gabi? Iniisip namin kung maayos lang kayo!"

"Alam niyo pala bakit hindi-" 

"Bakit hindi namin sinabi? Dahil nangako ang SP, Hailey. Sinabi nilang iingatan nila kayo at po-protektahan pero anong ginawa nila?! Anong ginawa niyo?!" sigaw ni Kuya Jacob.

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon