Key's Pov
The long wait is over. March 22 ng gabi pumunta na kami sa territory ng SP. Pagkarating namin ay nandun halos lahat. Kahit kabadong kabado ako ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa loob ng bahay ni SP.
Lahat ng nadadaanan namin tinitignan ang mga armas nila. I can see different kind of guns and knives. Napalunok ako ngunit hindi ako aatras kahit sobrang kaba pa ang maramdaman ko.
Buhay ng pamilya ko ang nakataya dito.
"Everything ready?" narinig kong tanong ni Genre pagpasok namin sa loob.
Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.
Sa lamesa ay iba't ibang rifle. Meron ring AR15, M14, M4A1 at iba pa. Agad napukaw ng pinakamatulis na bagay ang atensyon ko.
"That's a poison knife. We're still thinking if we should let you use that or not. Masyadong risky ang paggamit ng kutsilyo na 'yan dahil hindi natin masasabi ang maaaring mangyari." sabi ni Jeremiah na nasa tabi ko bigla.
Pinisil niya ang kamay ko kaya tinignan ko siya. At sa oras na nagtama ang mata namin ay doon ko narealize kung gaano kadelikado ang mangyayari ngayon. 50/50 ang buhay namin. Hindi ko alam kung may uuwi bang duguan o naghihingalo. Pero isa lang ang masasabi ko, kahit anong mangyari hindi ko pagsisisihan na ibinuwis ko ang buhay ko para sa pamilya ko.
"You're not alone." tatlong salita pero namuo agad ang ideya sa isip ko na kaya ko.
Nginitian ko siya at tinignan ang iba kong kasama. Lahat sila busy lalo na ang kambal. Nakita kong naguusap usap sila nila Uno at Dos.
"Choose your weapons!" sigaw ni JV.
Agad kaming lumapit ni Hailey sa lamesa. Napatitig ako kay Cata nung makitang masyadong mga delikado ang kinuha niya. Tipong isang kalabit o isang dampi lang sayo tapos na ang buhay mo.
"Cata, are you sure about that?" nangangambang tanong ko sakaniya.
"Wala na akong pakealam sa mangyayari. Gusto ko maligtas ang pamilya ko."
Nagkatinginan na lamang kami ni Hailey at hindi na kumibo. Nagpatuloy ako sa pagdampot ng mga gagamitin. Sinuksok ko sa kung anu-anong parte ng katawan ko at nilagay ko ang kutsilyo sa bulsa ng suot kong pantalon sa bandang binti.
"Pakihigpitan," sabi ko kay Hailey at tinuro ang nakatali sa katawan ko para lalong marami ang paglalagyan namin.
Sinuri ko pa ang ibang mga gamit na nakakalat. Alam kong may connection ang SP at BM sa mga nagtitinda ng mga ganitong baril pero hindi ko aakalaing makakahawak ako ng totoo.
"All set?" narinig kong tanong ni Genre samin habang nakaakbay kay Margaux. "Let's go." sambit nito habang nakatingin kay Margaux na parang iingatan niya ito.
Bumuntong hininga ako at nakaramdam ng yakap mula sa likuran. Amoy pa lang alam kong si Jeremiah na ito. Pagkakalas niya ay may yumakap muli sakin at nakita ko si Jmart.
"Gonna protect you at all costs, Key." bulong niya.
Lumabas kami at tinawag nila JV ang atensyon ng lahat. Kita ko kung gaano sila kasaya at sabik. Gusto ko rin sanang maramdaman iyon pero hindi ko magawa dahil nangingibabaw ang kaba ko.
"Got all you need?" tanong ni Justine sa lahat.
"We just need to wait for the time. Three hours left, gangsters. Then we're off to go." si JB.
Alas nuwebe pa lang. Saktong alas dose kami aalis. Ang plano ay kami lang muna ang sasakay sa van. Pagkatapos magpapadala kami ng text kung susunod na sila.