Kate's Pov
Hindi ko maiwasang kabahan sa nangyayari ngayon.
Oo, alam kong ligtas na ang Heirs pero kami ba ligtas kami kay Kuya? Alam kong naghihinala na si Kuya. Hindi siya tanga para hindi maisip na baka kasama kami dito lalo na't alam niyang may gang sa SU.
"Huy, matulog ka na." suway sakin ng kakambal ko na umupo pa sa tabi ko.
Pinagmasdan ko sila Key na mahimbing ng natutulog ngayon pati si Cata na nakahiga sa isa pang hospital bed. Lima kasi ang hospital bed dito at ito talaga ang designated room para saming Bitches.
"By any chance, bal, aren't you..." tumigil ako sa pagsasalita.
Ayoko ng ituloy ang sasabihin ko dahil baka ma-offend ko lang siya kaya pinili kong itikom na lang ang bibig ko.
"What?" tanong niya kaya napalingon ako sakaniya at nakita kong nakatingin siya sakin.
Ngumiti ako at umiling. "Wala..."
Umismid siya at kinuha ang unan sa likod niya at pinatong iyon sa hita niya.
"Do I don't feel guilty because of what happened to them?" tanong niya habang nakatingin kila Hailey bago ako tignan. "Is that what you're gonna ask?"
Lumunok ako. Ramdam na ramdam ko ang guilt kaya iniiwas ko ang tingin ko sakaniya.
"I can easily read your mind because of our twin bond, you know."
Hindi ko naman gustong maoffend siya. Gusto ko lang 'yun itanong sakaniya at iklarong ayokong magalit siya sakin.
"Oo. Nagsisisi ako at nako-konsensya ako dahil pinilit ko sila at pinagpatuloy ang plano ko. Kahit ayokong mangyari, ginawa ko pa din. Kung hindi ko 'yun naisip noon, walang mangyayaring ganito. Walang Hailey at Key na nasaktan. At higit sa lahat, walang Catastrophe na nagluluksa ngayon at mababalik lahat ng sakit na naranas niya noon." malungkot niyang saad.
Nakaramdam ako ng awa sakaniya.
Alam kong kahit ilang beses naming sabihin na hindi niya kailangang sisihin ang sarili niya dahil ginusto naming lahat 'to ay sisisihin niya pa din ang sarili niya. Dahil ilang ulit man natin tignan, siya pa din ang nagisip na sumali kami dito.
Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Cata kanina nung bumalik siya pagkatapos niyang makita si Eric.
"He's really back. Alam niyo ba nung nakita ko siya? Wala akong ibang naalala kundi ang pagkamatay ni Shaz. Sa ilang minuto na kasama ko siya pakiramdam ko ilang minuto din akong nabalik sa nakaraan. Pakiramdam ko kahit ako, mapapatay niya na sa oras na 'yun. Bumalik lahat. Kung nananaginip ako, masakit na. Ngayong nakita ko ang taong pumatay kay Shaznielle tripleng sakit pa. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko." puno ng sakit ang tono ng pananalita niya.
Nakagat ko ang labi ko. Para na kaming magkakapatid lahat. Hindi ko maisip kung sakaling magkahiwa-hiwalay kaming lahat. Hindi ko maisip kung sakaling may mawala muli isa saamin dahil kay Eric.
Pakiramdam ko kahit ako, makakapatay na kung sakaling mangyari 'yun.
"Naaawa ako kay Cata dahil siya pa ang makakaranas nun. Dahil bakit sa lahat ng tao, bakit sa kaibigan ko pa? Ilang taon na ang lumipas pero ni ilang pursyento hindi manlang nabawasan ang nararamdaman niya. Patuloy niya pa ding sinisisi ang sarili niya at balewala ang pagalis niya ng bansa."
"Lahat naman tayo, hindi pa nakakalimutan ang pangyayaring 'yun." sabi ko sakaniya.
"Oo. Pero gaya nga ng sabi ko, hindi ko hahayaang may mabawasan ulit satin. Sa oras na mabuking tayo, sa oras na malagay sa alanganin ang sitwasyon natin, hayaan niyong ako ang sumalo. Ako ang nagsimula nito kaya ako ang tatapos." sagot niya kaya napatingin agad ako sakaniya.