Chapter 20

2.3K 70 6
                                    

Key's Pov

Sumapit ang Miyerkules at naghanda kami para sa laro na sinalihan namin ngayon which is ang badminton.

Hinanda ko na din ang isusuot ko para mamaya sa battle. Para tuloy nawawalan ako ng gana dahil alam kong hindi pa din lalaban sila Jeremiah dahil nakaconfine pa din sila.

Katext ko siya kanina at sinabi niya ngang hindi sila makakasama mamaya. Again, si Sir Alfonso ang re-replace sa Heirs para panoorin ang laro mamaya.

Lumabas na kami ng dorm at naglakad na patungo sa Gymnasium kung saan gaganapin ang laro.

Dumiretso kaming mga players sa baba. Sa grupo namin, ako, si Athena at Tricia lang ang maglalaro dito dahil yung iba ay ayaw sumali at mas gustong manood na lang.

"Taga suporta naman kami!" sabi sakin ni Margaux ng pinilit ko siyang sumali nung nakaraan.

Nagthumbs up sila sakin at winagayway ang banner na ginawa nila.

Inirapan ko sila pero pagtalikod ko ay natawa na din ako. Para silang mga baliw! Pero mahal ko naman sila.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para sa lalaking mahal ko.

Ako:

Yam, magsisimula na ang game namin. I miss you. :( I wish you're here to support me. :(

Namilog ang mata ko ng agaran ang pagreply nya. Napatigil pa ako sa paglalakad at binasa iyon.

Yam:

Kahit wala ako diyan, sinusuportahan pa din kita. We got our phone back. :) I love you! Basic lang 'yang laro na 'yan kaya hindi ka pwedeng matalo, okay? Update me once the game ended. Go, Yam!!

Napangiti ako. Naramdaman kong may tumulak sakin sa likod ko at nakita kong si Athena iyon.

"Pakibilis naman, Mam. Pasalamat ka ako ang nasa likod mo kundi may nakabasa na ng text mo." iiling iling na sabi niya.

"Lakas na lang ng loob nila kung ganun. Remember? Rank three?" nakangisi kong sabi at tinulak niya na lang ako ulit kaya tumawa ako.

Dumiretso agad kami sa kumpol na mga studyanteng maglalaro ng badminton. Kausap nila ang Prof namin na may hawak sa Sports at napatingin sila samin ng mapasulyap din samin si Prof.

Nakita ko agad ang takot at kaba sa mga mukha nila. Nginitian ko sila ng matamis pero imbes na mawala iyon ay bahagya pa silang gumilid.

Nakita kong pinandilatan sila ni Tricia at nakita kong dahan dahang tumango ang iba bago magbulungan.

"Finally! Kayo na lang ang kulang!" salubong samin ni Prof nang makalapit na kami ng tuluyan.

"Sorry po," sabi naming tatlo.

"Okay. Listen..." aniya at inexplain ang rules and mechanics ng laro.

Hindi din nagtagal ay nagumpisa na. Dalawang pares pa ang maglalaban bago kami kaya umupo muna kami sa side at tumingala ako kung nasan sila Cata.

Winawagayway nila ang banner na ginawa nila kaya hindi ko maiwasang matawa. May mukha pa talaga naming tatlo!

Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan ang text. Hindi ko namalayang apat na messages na pala ang natanggap ko.

Yam:

I told you to update me. For sure naguumpisa na ang laro niyo. You silly woman!

Yam:

What? I'm waiting for your update! Ano? Did you win?

Catastrophe:

B*tch, what the hell? Why are you sitting there? Ba't 'di kapa maglaro?

They Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon