Hailey's Pov
"Christmas break is coming. Come with me?" tanong ni Wade at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko dahil nakapatong ang chin nya sa balikat ko.
"As if. 'Wag mo ko paasahin,"
"But I'm serious. I want to be with you this Christmas."
Hinarap niya ako sakaniya. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya pero hindi nakatakas sakin ang pagod niyang mata.
"What's bothering you?"
"Hmm?"
Sumimangot ako. "I'm asking you what's bothering you."
He laughed. Pero alam kong may mali.
"Paano mo nasabing may nagb-bother sakin?" tanong niya at lumayo ng bahagya.
"I can see it,"
Hinawakan niya ang pisngi ko. Tinitigan niya ako ng maigi na para bang kinakabisado niya ang mukha ko. Halos kumalabog ang dibdib ko dahil sa paraan ng pagtingin niya.
May mali talaga.
"When the time comes, I hope we'll still stay like this." sambit niya at tinitigan ako sa mata. "You're my best mistake, Hailey Bartolome."
Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan. Mistake? Paano ako naging mistake sa buhay niya?
Tumayo siya at inaya ako. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tumungo kami sa falls.
"You in for a dip?" tanong niya.
"Wala akong-"
"I'll lend my clothes for you,"
Tumango ako at binitawan niya ang kamay ko at hinubad agad ang shirt niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin.
Bwisit naman oh. Bakit ba nangbibigla 'tong lalaking 'to?
I heard his laugh. Bago ko pa siya matignan ay nakarga niya na agad ako ng pangkasal at tumalon na siya sa tubig which made me drink some water dahil sa pagkagulat.
Umahon agad ako at napaubo. Naglakad ako patungo sa gilid at pilit inilabas ang tubig na nainom ko.
Naramdaman ko agad ang paghagod ni Wade sa likod ko. Inubo ko muna lahat ng tubig bago ko siya hinarap at sinapak.
"Pwede naman kasing bumilang muna diba?!" singhal ko sakaniya.
Tumawa siya at hinalikan ako bigla sa labi. Pagkalayo niya ay nakita ko agad ang mga mata niya na nakatingin ng maigi sakin.
"Pagdating sa kiss, hindi mo na kailangang bumilang." sabi niya and scooped me closer to him.
After hours of enjoying being with him, napagdesisyunan ko ng umahon. Nanginginig ako sa lamig nang makita ko si Kenji na papalapit sakin habang may hawak na tuwalya.
Naramdaman ko naman agad ang pagyakap ni Wade sakin mula sa likod. Binato bigla ni Kenji sa gilid ko ang tuwalya kaya tumama iyon sa mukha ni Wade at narinig ko ang tawa ni Wade.
"Bro, ba't kasi hindi mo papuntahin dito?" tumatawang tanong ni Wade pagkatanggal niya ng tuwalya.
"Galit nga e," sagot niya bago kami talikuran.
Kumunot naman ang noo ko. Bakit galit si Cata sakaniya?
Naramdaman ko na lang ang pagbalot ni Wade ng tuwalya sakin. Hindi niya tinanggal sa pagkakaakbay ang kamay niya sakin kaya nilingon ko siya.
"Let's go inside. Magbanlaw ka na."
Pagpasok namin ay nakita ko si Kenji na kunot ang noo sa pagc-cellphone while Key and Jeremiah are sitting on the other couch at naghaharutan.