Chapter 1
Alezia POV
Ako nga pala si Alezia Daphne Vergara, 17 years of age. Kami na lang ni mama ang magkasama kasi namatay sa disgrasya si Papa, maliit pa lamang ako kaya hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang ama nung lumalaki ako.Sabi rin ni Mama ay mayroon akong Kuya kaso sumakabilang buhay na dahil rin sa aksidente. Kaya kami na lang ni Mama ang natirang magkasama sa hirap at ginhawa ng buhay.
Ngayon kasama ko si Mama sa pag aayos ng gamit. Sinabi sa akin ni Mama kagabi na nahanap na daw niya ang forever niya. Nung una nagalit ako kasi akala ko hindi na sya maghahanap ng iba si papa lang ang mamahalin niya pero mahal na mahal ko si Mama masaya na rin ako kung saan siya sasaya siguro iimbestigahin ko muna yung magiging tatay ko. Kung mabait ba siya or sasaktan niya lang ang nanay ko.
"Anak, alam kong masama pa loob mo sa akin pero nagmamahalan kami ng magiging ama mo. Ikakasal na kami tatlong buwan nalang oh! Sana anak maintindihan mo ako tsaka alam kong magugustuhan mo siya dahil mabait siyang tao." ani ni Mama.
"Nay ,aaminin ko po na mayroong pa po akong galit sa inyo, pero tatanggapin ko po kasi nakikita ko po sa inyo na ang saya saya niyo,tsaka baka ito na yung tamang panahon para maramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama, Nay sorry din po a kasi nung kinausap niyo ako kagabi tumaas ang boses ko at hindi ko kayo kinakausap" ani ko kay Nanay at sabay yakap sa kanya, Niyakap din ako ni Mama.
"Salamat anak. Ay! siya nga pala hindi ko pa pala nasasabi sayo" humiwalay ng yakap si Mama. Kumunot-noo naman ako at pinagkatitigan siya.
"Ano po yon Ma?" tanong ko pero ngumiti lang siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Magkakaroon ka na ng Kuya. Hindi lang isa kundi pito pa" ani Mama na ikinagulat ko.
P-pito? Seriously?
"Seryoso Ma? Hindi ka nagbibiro diba? Grabe pitong kuya, ang saya naman!" masayang tugon ko at tumango naman si Mama habang may ngiti sa labi niya.
"Oo anak at makikilala mo rin sila bukas na bukas rin" ani Mama na ikinatalon ko dahil sa sobrang saya na naramdaman ko.
Matagal ko nang hinihiling na magkaroon na ako ng kuya, bata pa lang ako kasi gusto ko pag may umaway sa akin ipagtatanggol ako ng kuya ko, pero ngayon pito ang mga kuya ko, grabe ang saya. hindi na ako makapaghintay na makilala sila.
"Tapos kana ba lahat Anak?" tanong ni Mama at sakto namang kakatapos kong magligpit ng gamit.
"Opo Ma, Tara na po" sabi ko at binuhat ko na yung mga bagahe ko medyo may kabigatan pero kakayanin pa naman at lumabas na kami ng bahay namin.
Pero nang paglabas ko lumaki ang mga mata ko tsaka tuluyan napanganga sa nakikita ko kasi ang laki ng kotse.
Lumapit ako kay mama natakot ako kasi may papalapit na isang nakaitim na lalake. Ay aba! May shades pa siya ah ano to! nasa beach lang at itim na itim yung shades e may araw ba? eh hapon na kaya!
Kinuha niya yung mga bagahe namin na ikinaranta ko.
"MAAAA! MGA KAPITBAHAY MAY MAGNANAKAW! TULONG! TULONG MGA KAPITBAHAY, MAY MAGNANAKAW!!!" sigaw ko
Kinurot ako ni Mama sa tagiliran na ikinatigil ko. Masakit yun ha.
"Alezia, hindi sila mga magnanakaw. Mga body guard iyan ng stepfather mo kaya isarado mo yang bibig mo nakakahiya sa mga kapitbahay natin" usal ni Mama na ikinatikom ng bibig ko.
Nakakahiya.
"Nay, excited at kinakabahan ako" sabi ko kay mama pero nakatingin pa rin ako sa labas ng kotse. Ang gaganda ng view dito.
"Bakit ka naman kinakabahan anak?" tanong ni mama sa akin
"Kasi baka apihin ako ng mga magiging kuya ko, baka may gawin sila sa akin o di kaya ipasalvage nila ako dahil sa kakulitan ko o di kaya hindi nila ako magustuhan bilang stepsister diba? Nakakatakot talaga" sabi ko kay Mama pero tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko.
"Anak, ano ba yang pinag-iisip mo. basta anak nandidito lang ako. Tsaka mababait mga magiging kuya mo! Nagmana yata sa tatay nila" usal ni Mama.
Tumango na lang ako at nanahimik na. Mababait ba talaga ang mga magiging bago kong Kuya at bagong Ama?
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...