Chapter 12: The Truth

2.8K 86 6
                                    

Chapter 12

Andrei P.O.V
Hindi ko masisi si Alezia na umiwas samin pagkatapos ng insidente kanina. Sino ba namang hindi iiwas at matatakot dahil sa narinig niya kanina. Bwisit na Marck talaga na yun sabing huwag ilabas ang kamanyakan sa harapan ng little sis namin e. Ang tigas talaga ng ulo sarap batukan hanggang sa humiwalay yung ulo niya sa leeg niya. Kayo ba naman na nagiisang babae tapos kasama mo pitong lalake tapos makakarinig ka na lang ng ungol. Anong magiging reaction niyo? Di ba? Matatakot tsaka ang awkward kaya nun. Kakabwisit si Marck e.

Nakita nga naming tumakbo ng mabilis si Alezia nung pumasok na kami sa loob. Halata yung takot base sa mukha niya at pagkilos niya. Pero fuck! she has a nice butt even thought she is wearing a mini skirt.
Shit! ano na namang pinagiisip ko. Erase! Erase!

Narinig kong nagbuntung-hininga si Matthew. Nakita ko naman na umakyat na sa taas si Taehyung at sumunod sa kanya si Jaerred. Anong problema nang dalawang yun? Bigla namang nagsalita si Mom.

"Anong nangyare kay Alezia?" tanong niya sa amin. Gusto ko sana sabihin yung totoo pero mukhang magagalit siya.

"Ahm. Siguro pagod lang ho siya sa school. Madami dami din daw kaseng pinagawa sa kanila, nakwento niya sa amin." pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti. Tumango na lamang si Mom at pumunta sa kusina.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya ulit sa amin at umiling naman kami. Naglakad na din kami papuntang kusina at kanina pa kumakalam yung sikmura ko.

"Hayaan niyo muna si Alezia, hahatiran ko nalang siya ng makakain niya mamaya. O siya sige kumain na kayo" usal niya at ipinaghain kami ng makakain tinulungan naman siya ng mga kasambahay. Nagsimula na kaming kumain at hindi din nagtagal e bumababa na din sila Taehyung at Jaerred bagong ligo a? Napasmirk ako sa iniisip ko. Hahaha. Tahimik lang kaming kumakain, umakyat naman sa taas si Mom para kausapin din daw si Alezia.

Pero alam niyo ba kanina ang cute niyang tingnan. Hindi ko alam pero nakyukyutan talaga ako sa kanya lalo na nung lumaki yung mga mata niya. Gustong gusto ko siyang pang gigilan in other way. *smirk*
Wait! What! Damn! Ano na namang iniisip ko. Nyeta! Mabilis kong inubos yung pagkain ko at umakyat kaagad papunta sa kwarto ko. Ano ba tong nangyayari sakin?

Alezia POV
Nandito na ako ngayon sa harap ng pintuan ng office ni Papa pero parang kinakabahan ako bakit kaya? Pero ipinagsawalang bahala ko na lang yun at kumatok ng tatlong beses. Narinig ko naman ang "come in" kaya agad kong pinihit yung doorknob.

"Oh! Alezia? Bakit ka naparito hija?" tanong sa akin ni Papa "Sige pasok ka at maupo ka muna." pumasok naman ako at umupo habang nakayuko. Pero nilakasan ko ang loob at sinabi ko ang dapat kong sasabihin sa kanya.

"Ahmm. Papa kasi po tungkol po kasi ito kila Kuya" sabi ko at napakunot noo naman siya. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"Kasi po Dad sila Kuya po kasi napagalaman kong nangbubully po sila sa school. Kanina rin po may pinahiya pong babae si Kuya Daevid at binuhusan pa niya ito ng Orange Juice. Pero pinagsabihan ko naman sila pero wala na rin naman ata akong magagawa e. Kaya sana po Papa tulungan niyo po ako na patigilin sila sa ginagawa nila kasi ang bad po kaya ng ganun. Madami na pala sila nabiktima. Please Papa?" pagmamakaawa ko sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti at pinat ang ulo ko.

"Alam mo hija, may dahilan sila kung bakit nila ginagawa ang ganun?" sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Gusto mo bang malaman?" tanong niya sa akin at napatango naman ako.

"Nagsimula ito ng elementarya palang silang pito. Naranasan din nila ang mabully dahil silang pito ay sobrang matatakutin at si Andrei, Jaerred at Daevid ang palaging nabubully kasi isa silang mga bookworm. Hindi mo halata no? Hindi na nakayanan ni Daevid yung pangbubully sa kanila kaya naman sinumbong niya ito sa Kuya niya na si Matthew. Madami kasing takot kay Matthew kahit mga malalaking tao e takot sa kanya. May isang grupo si Matthew na tinatawag na The Black Gang na kinukumpleto ng mga lalaking matatapang minsan din sila mangbully. Nung nalaman ni Matthew ang ginagawa sa mga kapatid niya e pinasali niya ito sa grupo niya. Ayun na nga sila na ang nangbubully since elementary gawain na nila ito pero nag-away si Matthew at ang ang matalik niyang kaibigan na si Jackson na kasama din sa grupo. Nagkawatak watak silang lahat at hindi na alam ni Matthew kung saan ang mga ito. Pero hanggang ngayon e nangbubully pa rin sila. Ngayon na nalaman mo na kung bakit sila nangbubully iiwasan mo ba ang mga kuya mo?" tanong sa akin ni Papa na ikinagulat ko. Kaya naman pala sila nangbubully pero kahit na ganon e dapat itigil na nila yung ginagawa nila. Umiling naman ako sa tanong ni Papa at ngumiti siya. Nang bigla nalang may kumatok sa pintuan.

"Come in" ani ni Papa. Pagkabukas ng pinto e nakita ko si Kuya Matthew. Tiningnan ko siyang mabuti at masasabi ko wala sa itsura niya ang pagiging bully. Naglakad naman si Matthew sa amin.

"Matthew, bakit ka naparito?may kailangan ka ba?" tanong ni Papa kay Matthew pero tumingin ito sa akin at sinabing...

"Alam kong nagsumbong na naman sa inyo si Alezia. Narinig ko din ang pinagusapan niyo Sorry. Pero Alezia para sayo ititigil na namin yung pangbubully. Napagisip namin na masama din ang paggawa nang ganun bagay at mga kuya mo na kami ayaw naming maging bad influence sayo. Kaya huwag ka nang matakot at huwag ka na ring mag-alala. Wala nang bully na magaganap sa school o kahit saan pa man." usal ni Kuya Matthew na ikinangiti ko ng pagkalaki laki. At hindi ko napigilang yakapin siya. Sobrang bait niya talaga. waaaa.

Naramdaman ko namang nanigas si Kuya Matthew sa ginawa ko kaya kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Ngumiti ako ng pilit. Nakakahiya yung ganun myghaad!

"Mabuti naman kung ganun Matt" usal ni Papa at ngumiti sa akin. Pero may naalala pala ako na dapat isumbong ko din kaya lumapit ako kay papa at sinabing...

"Papa, alam niyo po ba na kanina habang nasa kotse kami nung pauwi na kami narinig ko may ungol ng babae tapos nanggagaling yung kay Mr.Rabb-este kay Kuya Marck. Ang lakas ng volume niya kaya rinig na rinig na yung pag-ungol ng babae. Yuck! " usal ko at nakita kong lumaki yung mata ni Kuya Matthew at ni Papa. Tiningnan naman niya si Matthew na nanlilisik yung mata.

"PRINCE MAAAAARCKK!!!" sigaw ni Papa kaya napatakbo ako habang tumatawa.

"Hahahahahahaha" ang sakit na ng tiyan ko. Habang tumatawa ako nakita kong tumatakbo si Mr. Rabbit papalapit sa akin.

"Humanda ka talaga sa akin. Shit!" sabi niya pero binelatan ko lang siya na lalo na niya pang ikinaiinis, Tumakbo ako ulit papuntang kwarto ko at nakita ko yung mga kuya ko e nagsipuntahan sa office ni Papa. Lagot na kayo!

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon