Chapter 46
Alezia POV
Hindi ko alam pero kusa ko nalang sinundan si Marck ng umalis ito. Nakita ko siyang sumakay sa kotse at mabilis na lumapit sa kanya."Marck! Marck!" tawag ko sa kanya, lumingon siya sa akin pero kaagad itong sumakay. Mabilis kong nahabol bago pa niya mapaandar yung kotse.
"Marck! Saan ka pupunta!?" pinagpapalo ko na yung shield ng kotse niya pero narinig kong umandar na yung makina. Muntikan na akong mahulog ng bigla bigla itong umandar ng mabilis.
Sakto naman na may dumaan na isang Taxi kahit private village ito. Agad akong nagpara at sumakay.
"Manong, pakisundan po yung Black na kotse na iyon. Bilis" panic kong sabi at tumango nalang yung driver at nagsimulang sundan yung kotse ni Marck.
....
Tumigil ang sinasakyan ni Marck kaya tumigil na rin kami sa pagsunod sa kanya. Nagbayad na ako sa Driver at nagpasalamat. Nakita kong lumabas si Marck at nagsimulang maglakad.
"Marck!" sigaw ko pero hindi siya lumingon at tuloy-tuloy yung paglakad niya. Kahit tumatakbo na ako pero sobrang bilis niya talaga maglakad kaya medyo hinihingal na ako.
Nagulat ako ng bigla siyang nawala sa paningin ko. Nasaan na siya? Sinusundan ko lang siya ah. Grabe may superpowers ba siya para bigla biglang mawala na parang bula.
Napaigtad ako ng may tumakip sa bibig ko. Binalot na ako ng takot kaya nagsisigaw sigaw ako kahit nakatakip yung bibig ko. Lord, save me please.
"Bakit mo ako sinusundan?" lumaki nalang yung mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. Dahan-dahan naman niyang tinanggal yung kamay niya sa bibig ko. Lumingon ako at nakita ko si Marck. Nang hindi ako sumagot at nananatiling nakatulala. Bigla nalang niya ako hinila sa lugar na hindi pamilyar sa paningin ko.
"S-saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko habang hinihingal kasi naman para kaming umaakyat sa bundok. Hindi nalang siya sumagot at nagpatuloy sa paglalakad kahit paakyat yung dinadaanan namin.
Namangha nalang ako ng nakita ko ang napakagandang tanawin na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.
"waaaaa, ang ganda naman dito" mangha kong sabi habang nakatingin sa magandang tanawin. Kitang-kita dito yung mga syudad, dikit dikit na mga bahay, yung mga gusali na malalaki at matataas. Nakakamangha talaga siyang tingnan.
"Back to my question, bakit mo ako sinusundan?" napaigtad ako ng nagsalita si Marck, lumingon ako pero hindi ako nakatingin sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ba siya sinusundan, dapat pa nga pinapabayaan ko siya diba? Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko siya sinusundan.
"U-uhmm, Ano k-kasee, u-uhhmm" utal-utal kong sabi, nakita ko namang nagsalubong ang mga kilay niya na
he's confused or he is mad?Hindi ko magawang tingnan siya sa mata sa mata dahil alam ko sarili ko na may weird akong nararamdaman para rito.
Nagulat ako ng hinawakan niya ang chin ko para magtaas ako ng tingin.Dug. Dug.Dug
Ang lakas ng tibok ng puso ko ng magkasalubong na ang bawat mata namin. Hindi ko mabasa kung ano nasa loob ng mga ito, halo-halong emosyon ang nababasa ko.
"Bakit kasi ikaw pa? Sa dinami-daming babaeng pwede kong magustuhan bakit ikaw pa? Ano ba kasing mayroon ka na wala sa iba? Bakit!?" nagulat ako ng biglang tumaas ang boses niya. Nakatingin pa rin ako sa kanya nakabuka ang bibig ko pero walang salitang lumalabas ni isa.
"At ang masaklap pa, kaming magkakapatid, No! I mean silang anim lang na magkakapatid at ako ay parehas lang ang nararamdaman para sayo pero ngayong nalaman ko na hindi ko sila tunay na mga kadugo, may lakas ako ng loob para maging akin ka at kapag sinabi kong akin ka, YOU'RE ONLY MINE" lalo kong naramdamang mas bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko "akin ka" sa word na iyan kapag naririnig ko iyan bigla bigla nalang akong manghihina na nararamdaman ko na ngayon.
"Marck..."
"Sssshhh, just shut up and BE MINE"
"P-pero Marc---" lumaki nalang bigla ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko ng naramdaman kong may nakadikit na sa labi ko.
He kissed me.
Naramdaman kong gumagalaw na ang labi nito habang ako nasa state of shock pa. Yung first kiss ko! Yung first kiss ko!
Naghiwalay na ang mga labi namin at nabalik na rin ako huwisyo, tiningnan ko siya ng "di makapaniwalang-look" habang siya naman ay nakataas ang gilid ng labi niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahan na hinaplos.
"I love you so bad, Alezia" dahan-dahan naman siyang lumapit ng lumapit sa mukha ko kahit gusto kong lumayo pero parang may nag-uudyok sa akin na huwag.
At ayun na nga naramdaman ko na namang muli ang kanyang labi pero ngayon iba na ang mga galaw nito hindi katulad kanina ngayon naman with passion and love.
Napangiti ako bigla ng maramdaman kong ngumiti siya between our kisses. Basta ang alam ko masaya ako ngayon.
Taehyung POV
"Dad, okay kalang po ba?" usal ni Kuya Jaerred at lumapit kila Mom and Dad. Pagkatapos ng scene na umalis si Marck at si Alezia, katahimikan ang bumalot sa amin."Magpahinga ka muna Honey, halika na baka mapapaano ka pa niyan" sabi ni Mom. Inalalayan ni Mom para makatayo si Dad pero hindi pa siya nakakatayo bigla na itong bumagsak.
"DAD!/ HONEY!" sigaw naming lahat, kaagad naming binuhat si Dad para pumuntang hospital.
"Josefina, ikaw na bahala dito sa bahay."
"Yes, Madam"
Lahat kami ngayon nagpapanic at hindi namin alam kung ano ang nangyari kay Dad.
"Mom, may alam ho ba kayo sa kalagayan ngayon ni Dad?" tanong ni Kuya Matthew, umiiyak ngayon si Mom habang tinitingnan si Dad na ngayon ay walang malay. Hindi siya nagsalita kaya pinabayaan nalang namin.
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...